Nakauwi na kami.
Nakauwi na ako pero nasa ibang lugar na ang aming tahanan. Nasa isang exclusive subdivision kami ngayon nakatira. Puro moderno at grandioso ang bawat gusali. Lalo akong nanibago sa aking kapaligiran. Kung doon nga sa dati naming tinitirahan ay hindi ako mapakali dito pa kaya? Hindi ako masasanay sa kung anong mayroon sa pamamalakad ng siyudad. Walang sariwang hangin na malalanghap at makakapagpagaan sa akin sa tuwing nahihirapan akong huminga. Gusto ko ang probinsya kahit di naman ako doon pinanganak at nanirahan ng napakatagal.
Hindi ko matukoy kung ang sarili ko ba ang estranghero o ang nakapaligid sa akin. Kaya naman nakatunganga lang ako sa may gate. Pinagmamasdan ang buong lugar mula sa bakuran hanggang sa kabuuan ng labas na anyo ng bahay na ito.
"Lala, halikan na!"
Inanyayahan na ako ni Reagan. Nasa may malaking double doors na siya at akmang bubuksan na ang mga ito. Tumitig pa ako sandali bago mabagal na lumapit sa kanya.
"Tulad ng sinabi ko sa'yo noong nasa Puerto Galera pa tayo, nasa Subic pa si Errol. Mga Thursday siguro ang dating niya."
Bungad ni Reagan nang makapasok na kami sa loob ng bahay.
Sinuri ko kaagad ang sahig, dingding at kisame na may pinturang puti. May chandelier sa itaas ng salas na nagbibigay ng kinang dahil sa sinag ng araw. Pero ang nakakapagtaka ay walang gasinong muwebles, larawan at mga halamang makakadagdag sa pagpapaganda ng lugar. Sa may sala ay may apat na sofa kung saan naroon ngayon ang tatlong lalaki. Sa kanila nanggagaling ang ingay at asaran.
"Aba! Welcome back, Reagan!"
Bati agad sa kanya ng isang lalaking nakapusod ang buhok paitaas. Sa aking pagkakatanda ay si Harris ito.
"Mabuti naman at narito na rin si Lala."
Tumayo naman ang lalaking naka-army cut ang gupit ng buhok, maputi at matikas ang pangangatawan. Lumapit siya sa akin at sinuri akong mabuti. Napayuko ako kahit di naman ako nahihiya. May katagalan din ang paglayo ko sa kanila kaya hindi ko na naman alam kung paano ako makikisama sa kanila.
"Nice job, Reagan. Ano naman kaya ang premyo mo galing kay Errol?"
Sumulyap ako sa nagsalitang iyon na di ko malilimutan dahil sa kanyang pag-ngisi na animo'y si Jokerman ng Batman.
"Hindi ko alam, Franco kaya 'wag ka ng mainggit sa akin."
"Diod Mio garapon! Marami na akong natanggap, pare. At saka kailanman ay di pa ako pumalpak."
Taas-noong nagwika si Franco sabay inom kung anong mayroon sa kanyang tasa.
"Defensive, huh?"
Umiiling si Reagan na nilisan ang sala at nagsisimula ng umakyat paitaas.
"Well, that's fact mah, man!"
Dagdag ni Franco na mukhang napikon sa kanyang narinig na mga salita kay Reagan.
"Hoy, 'wag mo akong tinatalikuran. Reagan!"
Sumunod si Franco kay Reagan. Ako, nagkaugat na ang mga paa kung ako kanina pang nakatigil. Nasa aking harapan pa rin si Allister, mistulang tower sa tangkad nito. Humalukipkip muna siya bago nagsalita.
"Harris, ipabatid muna kay Errol na narito na ang kanyang magaling na kapatid."
"Sige, tatawagan ko na siya."
Tumayo na rin si Harris at palabas siya ng bahay papuntang hardin na nakalahad sa kanang bahagi ng bahay. Natatanaw ko ang makukulay na bulaklak at luntiang kapaligiran ng harding iyon.

BINABASA MO ANG
Get a Grip
RomanceSapat na ba ang salitang pag-ibig para mahalin ang isang tao? Sapat na rin ba ang salitang paglayo upang makalimutan siya? Kaya mo bang maging matatag sa maaaring kahantungan ng pagmamahalang ito? At dapat na bang kaawaan ng kalangitan ang pagsintan...