Kabanata 30 Run Away

4 1 0
                                        

You are my sunshine, my only sunshine, you make me happy when skies are grey.
You never knew dear how much I love you.
Please don't take my sunshine away...

Nagising ako sa masiglang kantang iyon. Hinanap agad ng aking mga mata kung sino bang umaawit ng musikang iyon. Nasisilaw man ako sa sinag ng araw na nanggagaling sa sliding window ay ininda ko upang makita nang maayos ang aking kapaligiran. Nasa aking kwarto pa rin naman ako. Malinis at okupado pa rin ng mga kagamitan ko ang aking silid maliban na lamang kay Reagan na matiyagang inilalagay sa hanger ang mga bago kong bestida. Iyon siguro iyong binigay sa akin nina Mama at Annilia.

Umupo ako sa aking kama at tahimik na pinapanood si Reagan sa kanyang ginagawa. Sinasabayan na rin niya ang awiting nakapagpagising sa akin na nagmumula siguro sa kanyang cellphone. Mahilig talagang makinig sa music si Reagan. Hindi nakapagtatakang nahawa na ako sa kanya.

"Goodmorning Reagan..."
Mayumi akong bumati sa kanya. Sa totoo lang kasi wala akong mukhang maiharap sa kanya dahil alam kong naging pabigat na naman ako. Tapos ngayon pa na siya iyong umaayos ng mga damit ko na dapat ay sa akin nakaatas. That's an old news for me but still I am not really getting used to it. I hope they or he will never get tired of me...

"Magandang umaga!"
Sandali lang siyang tumingin sa akin bago muling nagpatuloy sa pagliligpit ng aking mga damit.

"Ahmmm... Reagan, sana ipinaubaya mo na sa akin 'yan tutal damit ko ang mga iyan."

"Ngayon lang 'to, don't worry. Sinisipag pati ako ngayong umaga kaya ginawa ko na."

Bahagya akong tumango bago nagtungo sa aking banyo. Kailangan ko munang maging presentable sa harapan nilang lahat.

Pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas na rin ako sa banyo ngunit hindi ko na naabutan pa si Reagan. Nagtungo na rin ako sa unang palapag ng aming bahay .

Bumungad sa akin sina Franco, Lio at Harris sa salas na seryosong nagpupulong sa kung anong bagay. Ang tatlong lalaking ito ay tumingin sa akin at saka'y naghiwa-hiwalay ng landas. Si Lio ay palabas na ng bahay. Si Harris ay dumiretso sa kusina samantalang si Franco ay umakyat paitaas. Hindi ko inakala na maaari pala silang maging ganito katahimik lalo na si Franco. At sa ikinikilos nilang ito, masasabi kong may nangyayaring kakaiba sa umagang ito.

"Siya nga pala Lala..."
Sa kalagitnaan ng pag-akyat ni Franco ay di rin siya makatiis na hindi makapagsalita.

Tumigil ako sa bandang pinto ng kusina at hinarap ko siya. "Huwag ka nga palang matatakot sa mga bata namin diyan na nakakalat sa palibot ng bahay natin. It's for your safety."

Tinalikuran niya agad ako at tuluyan ng nagtungo sa kanyang silid. Ni hindi niya man lang hinintay ang sagot ko. How rude!

Pinabayaan ko na lamang ang inasal ni Franco at dumiretso na sa kusina. Naging destinasyon ko agad ang pridyider at kinuha ang fresh milk. Habang nagsasalin ako sa aking baso ay hinarap ako ni Harris.

"Si Mrs. Morfe lang ang pwedeng maging bisita dito. Naiintindihan mo ba Lala?"
Uminom muna ako ng gatas bago tumugon sa kanya.

"Oo..."

"Sana tumupad ka sa sinabi mong 'yan. Ayaw na naming masundan pa ng isa na namang panganib dito sa bahay. Kailangan mong maging matalino at maingat sa mga taong nakapaligid sa'yo."
Naging mariin ang pagbigkas niya sa huling pangungusap. Sumubo rin siya sa kanyang oatmeal na kahahanda lang ng aming kawaksi.

"Huwag kang magtitiwala agad sa taong mapagpanggap."

Nakuha ko na rin kung bakit ganito ang trato nila sa akin. Ayaw na nilang maulit ang nangyari noong nakaraan. Sino ba ang may gustong maulit pa iyon? Sa pagkakaalam ko kasi, walang may kagustuhan na maganap pa ulit ang kalunos- kunos na pangyayaring iyon. Wala.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 07, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Get a GripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon