'But I just thought, how can the devil be pulling you toward someone who looks so much like an angel when he smiles at you?'
- I knew you were trouble, Taylor Swift
Sa pagmulat ng aking mga mata, ang sinag ng araw ang sumalubong sa akin. Napapikit tuloy ang aking mga mata sa liwanag na ibinibigay ng araw ngayong umagang ito. Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa isang kingsized bed at hinawi ang kurtinang kulay yema nang sa ganoon ay makapasok na ng tuluyan ang sikat ng araw.
Sandali kong pinagmasdan ang paligid na di pamilyar sa akin at umupo sa kama. Dinama ko ang init ng kobre kama sapagkat nagsisimula na naman ang panlalamig ng aking mga palad. Pumasok na sa sistema ko na nasa pag-aari ako ng nakabili sa akin na hindi ko alam kung sino.
Narinig kong may nagbukas ng pintuan ngunit pinabayaan ko lang kung sinuman ang pumasok ng silid.
"Lala!", tawag sa akin ng boses na batid kong kay Rigor. Agad akong humarap sa kanya at tumambad sa akin ang maaliwalas niyang ngiti. Tumakbo ako sa kanya at mahigpit ko siyang niyakap sa kapanatagan na di ako nabili ng hindi ko kakilala.
"Salamat Rigor."
Tumingala ako sa kanya at binigyan siya ng matamis na ngiti. Salamat sa Panginoon dahil di niya ako pinabayaan.
Umiiling lang siya at natutuwa sa aking inaasta habang niyayakap niya ako pabalik.
"Abnormal ka rin ano? Kagabi wala ka pa sa loob ng auction glass suite nahimatay ka na tapos ngayon?",pagpapaliwanag niya na halatang naguluhan sa akin. Hindi ako sumagot bagkus ay mas lalo ko pa siyang niyakap nang mahigpit. Sa di malamang dahilan nakaramdam ako ng pangungulila sa kanya.
"Tara na sa ibaba, handa na ang ang agahan.",pag-aaya niya sa akin at tumango sa pagpapaunlak sa kanya.
Iginiya niya ako sa may asotea na nakahawak sa aking kamay. Malambing talaga ang lalaking ito.Lihim akong napangiti sa magkahawak naming mga kamay. At habang kami ay naglalakad, doon nakapokus ang aking mga mata.
Pinaupo niya ako sa kanyang harapan.
Mas lalo akong nagalak sa nadatnan ko dito. Ang asotea ay nakaharap sa direksyon ng dagat. Napapikit ako sa sikat ng araw at sa marahan na pag-ihip ng malamig na hangin. Nakakagaan ng pakiramdam.
"Kain na tayo.",aniya habang nilalagyan ako ng toasted bread, bacon, butter at pritong itlog. Para akong bata na ipinaghahain ng kanyang magulang ng pagkain. Hindi na maalis sa aking mga labi ang ngiti.
Tahimik kaming kumain samantalang ako ay pasulyap-sulyap sa mga ibong sama-samang lumilipad sa himpapawid. Ang dagat ay kumikinang sa liwanag na natatanggap mula sa araw. Maputi ang buhangin. May ilan ding namamangka sa asul na dagat. Ang ganda talaga ng tanawin kaya nakakapanibago.
"Wala tayo sa Manila, nasa probinsya tayo ngayon.",usal ni Rigor na nakatitig na rin sa aming kapaligiran.
"To be specific?"
"Puerto Galera.",aniya at humarap sa akin. Tumango lang ako at humigop ng gatas. Alam niya talaga ang mga kinahihiligan ko tulad ng pag-inom nito.
"Ugh... R-rigor, a-ano nga pala ang ginagawa mo sa auction?",mahina akong nagsalita sa kanya. Humigop muna siya ng kape bago sumagot, "Upang lumigaya,syempre!"
Hindi ko alam kung paano ko ipipinta ang aking mukha sa aking narinig. Sumubo ako ng bacon at dahan-dahan ko itong nginuya. 'Ngayon, lumalabas na ang totoong kulay ng mga tao sa aking paligid. Pare-pareho silang alipin ng kriminalidad.'
Iyan ay ang sapantaha ko sa oras na ito. Mahirap paniwalaan pero ito na ang katotohanan.
"Matagal na ba ang ganoong uri ng auction?"
![](https://img.wattpad.com/cover/8538551-288-k259783.jpg)
BINABASA MO ANG
Get a Grip
RomanceSapat na ba ang salitang pag-ibig para mahalin ang isang tao? Sapat na rin ba ang salitang paglayo upang makalimutan siya? Kaya mo bang maging matatag sa maaaring kahantungan ng pagmamahalang ito? At dapat na bang kaawaan ng kalangitan ang pagsintan...