"Mas makabubuti siguro kung ilalayo mo siya dito o tigilan mo na ang ganyang klase ng trabaho, Errol."
"Ang hirap pumili, Mrs. Morfe."
"Errol, mahirap din ang kalagayan ng kapatid mo. Ano ba ang gusto mong mangyari? Mas lumala pa ang sakit niya? Napakatuso ng trauma, Errol. Isipin mo muna ang kapatid mo."
Ilang beses ko ng naaabutan ang maingat na pag-uusap nina kuya at Mrs. Morfe at resulta niyon ay ang pakikinig ko sa kanila. Nagpapanggap akong tulog para magpatuloy sila sa pag-uusap. At isa ito sa nagiging paksa nila dahilan kung bakit napapaisip na naman ako sa mga kung anu-anong bagay.
Akala ko kasi ako lang ang nahihirapan. Akala ko ako lang ang naaapektuhan ng sakit ko. Iyon pala mukhang nagiging pabigat na ako sa aking kapatid. Pati ang trabaho niya masasabotahe pa sa nangyayari sa akin. Alam kong iligal ang napasukan niyang trabaho pero ayoko ng ganitong pakiramdam na marami ng naisasakripisyo para lang sa aking kabutihan.
"Bakit di mo muna siya ipaubaya sa Nanay niyo?"
"Hindi rin makakatulong 'yon."
Ang huling pangungusap ni Kuya Errol ang nagpatahimik kay Mrs. Morfe. Kasunod kasi niyon ay ang pagkakarinig ko ng pagsara ng pintuan. Binalot muli ng antok ang sistema ko. Nagpatianod na lang ako sa bigat na nararamdaman ko sa tulong ng pagtulog kaysa sa umiyak.
Pagkagising ko, sinalubong na naman ako ni Reagan ng kanyang matipid na ngiti at ang pagkaing nasa side table. Saglit ko lang siyang tiningnan at ipinokus ang aking paningin sa malaking salaming nakalatag sa pader. Hindi ko kasi matanggap na limang araw ko ng inaabangan si Rigor. Sana Rigor iyong sumasambulat sa akin tuwing magigising ako sa umaga lalo na ngayon na may problema ako. Nasaan ba siya? Nasaan ba siya ngayon na kailangan ko ng masasandalan?
Umubo si Reagan bago siya nagsalita, "Kumain ka na. Lalamig pa ang mga ito."
"Hindi ka ba nagsasawa sa akin, Reagan?"
"Hindi."
"Bakit mo ba 'to ginagawa? Alam mo naman sigurong hindi tama na umaakto kang babysitter, di ba?"
"So baby ka na pala ngayon?"
Natatawa pa siyang nagtanong sa akin.
"Seryoso ako, Reagan. Hindi ako nakikipaglokohan sa'yo. Ayoko na kasing maging pabigat."
"Hindi ka naman pabigat eh. At saka may mga bagay na kailangang protektahan."
Wala akong maidugtong sa mga salita ni Reagan. It is unexpected for me to hear those words from him. Malayong-malayo na siya sa lalaking kinatakutan ko dahil sa kanyang malaking ekis sa likuran.
"Kain na."
Bumangon ako at umupo habang inaayos niya ang dalawang unan nang masandalan ko ang mga iyon. Inilapag niya sa aking kandungan ang tray na may almusal at nagsimula na akong kumain.
"Ahmm... Reagan?"
Hinarap ko siya na nakatingin din sa akin. Tumaas ang isa niyang kilay at hinihintay ang maaari kong sabihin sa kanya.
"Alam mo ba kung nas'an si Rigor?"
Nagkibit-balikat muna siya bago tumugon sa aking tanong.
"Baka nasa trabaho? Hindi ko alam eh."
"Hindi ka ba niya tinatawagan o kahit text man lang?"
"Hindi. Tahimik ang mokong na 'yon. Baka nga busy sa trabaho? Depende kasi 'yon kung sino pinaglilingkuran niya."
"Alam kaya niya kung ano ang nangyari sa akin?"
"Hindi ko alam. Hindi ko rin siya binalitaan tungkol doon."
"I miss him..."
Sa pangatlong kagat ko palang ay nawalan na ako ng gana. I feel incomplete knowing Rigor's absence. I hate this part.
"Hanggang kailan kaya tayo magpapanggap, Reagan? Sa tingin ko kasi sobra-sobra na ang pagsisinungaling ko kay kuya."
"Ngayon mo lang ba 'yan napagtanto? Matagal na rin tayong naglolokohan dito Angela. Magmamalinis ka na naman ba?"
Matalim na titig ang nakita ko sa kanyang mga mata. Mukhang mabilis siyang napikon sa nagaganap sa aming dalawa.
Nanginginig akong uminom ng gatas at mabilis na nilagok ito. Pagkatapos ay inilagay ko agad ang tray sa side table.
"Bakit ba sumasakay ka sa kalokohan ni Rigor. Hindi ka dapat pumayag, di ba? Ano bang plano niyong dalawa?"
"Kung ano ang nangyayari sa atin, 'yon na ang nasa plano."
"Si Rigor lang naman ang makikinabang sa planong 'yon, Reagan!"
"Wala kang alam, Angela!"
Tumaas na ang boses ni Reagan. Napatayo siya mula sa aking kama. Napapailing at mukhang naiipit din siya sa sitwasyon.
"Ginagawa mo ba 'to para sa kanya?!" Iyan ay aking naibulalas kay Reagan. Nanlalaki naman ang kanyang mga mata. Nagulat siya sa mga salitang aking binitawan. "Itinatago mo ang namamagitan sa inyong dalawa ni Jillian para di malaman ni kuya. Ang relasyon niyong dalawa ang pinoprotektahan mo!"
Ang totoo, walang kasiguraduhan ang mga pangungusap na lumabas sa aking bibig. Gusto ko lang mabigyang linaw ang tunay na agenda ni Reagan.
"Magpahinga ka na."
BINABASA MO ANG
Get a Grip
Roman d'amourSapat na ba ang salitang pag-ibig para mahalin ang isang tao? Sapat na rin ba ang salitang paglayo upang makalimutan siya? Kaya mo bang maging matatag sa maaaring kahantungan ng pagmamahalang ito? At dapat na bang kaawaan ng kalangitan ang pagsintan...