"Lala, kakain na.",wika ng lalaking kumakatok sa aking pinto.
Nakatulog pala ako sa sobran pag-iisip. Bumangon ako, binuksan ang pinto at nilagpasan kung sinuman ang gumising sa akin sapagkat ako ay nagugutom na talaga.
Kami na lang dalawa ni Franco ang wala sa hapag. Siya pala ang nagyaya sa akin. Pagkaupo ni Franco, nagdasal agad ako at kumain ng hapunan. Tahimik na naman ang aming salu-salo sa gabing ito.
Nasa sentro si Kuya Errol nakaupo, nagpapakita ng kanyang pamumuno sa apat na sulok ng pamamahay na ito. Sa kanan ni kuya, naroon si Reagan, Harris at Lio habang sina Allister at Franco ay nasa kaliwa at kahanay ko sa pag-upo.
"Kuya, saan kayo nagpunta ngayong araw?",pagbubukas ko sa usapan. Matalim na titig lang ang isinagot niya sa akin. Wala siyang pakialam ngayon sa akin. Hindi man niya sabihin pero alam ko na ang dahilan.
Nagpatuloy na lang ako sa pagkain at hindi na pinansin ang mga tao sa paligid ko.
Lahat ng tao nilikhang may kapintasan at sana maisip ni kuya na kung may kamalian man sa nabubuong damdamin ko para kay Rigor, mayroon din siya hindi nagagawang tama sa buhay niya hindi nga lang sa pag-ibig.
Kinaumagahan, dumiretso agad ako sa kwarto ni Reagan. Napagdesisyunan kong isauli ang aking kinuhang cellphone. May pumipigil man sa akin na huwag itong ibalik, nanaig pa rin sa akin kung ano ang dapat gawin. Ayokong idagdag ito sa kasalanan ko kay Kuya Errol.
Nakarating na ako sa kwarto ni Reagan pero nakatitig lang ako sa pintuang gawa mula sa kahoy na mayroong iba't ibang inukit na disenyo. Mula sa itaas at ibabang bahagi ng pinto ay mayroon sining na kapansin-pansin,parang tribal tattoo. Ito lang ang pinto na may ganitong mga pag-ukit. At ang nakakapagtaka pa dito ay may malaking ekis na iginuhit sa pinto ng isang matalas na bagay. Mas lalo akong natakot na kung kanina ay kinakabahan lang ako sa magiging reaksyon niya sa pagkuha ko ng cellphone ng walang paalam,
Nangangatal na lumalapit sa pinto ang aking kanang kamay upang kumatok nang biglang bumukas ito at iniluwa nito si Reagan na walang saplot na pang-itaas at tanging pantalon lang ang suot. Mabilis ko tuloy ipinihit ang aking ulo paitaas. Nakakailang ang ganitong itsura niya. Halo-halo na nararamdaman ko kaya nagpakawala ako ng isang pekeng ngiti sa kanya.
"Anong kailangan mo?",binali niya ang isang pekeng ngiti ko na abot hanggang tenga. Hindi ko talaga kayang sumagot sa kanya kaya nangangatal akong nagbigay sa kanya ng cellphone. Tumaas ang kilay niya nang makuha niya sa akin iyon dahilan kung bakit yumuko ako. Nahihiya ako sa ginawa kong ito lalo't sa kauna-unahang pagkakataon.
"So-sorry..."
"Desperada ka na ngayon Lala? Hindi ko alam na pagnanakaw ang natutunan mo kay Mrs. Morfe." Humalukipkip siya at seryosong nakaharap sa akin, mata sa mata.
"Sorry talaga..."
Iyan lang ang tanging lumabas sa aking bibig lalo't mali ang katwiran ko.
"Hindi ko alam na may malayo kang kaibigang...",hinimas niya ang kanyang baba. "kaibigang lalake?". Tumagilid pa ang kanyang ulo habang sinasabi ito. Umiling lang ako sa kanya. Hindi ko kayang sabihin ang katotohanan sapagkat baka hindi na talaga kami magkita ni Rigor.
"you want to be one of his pawns not his queen. I tell you, he's a bad chess player. He's a horse not a king." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan ang gusto niyang ipahiwatig. "Gusto mo pala ng babaero,hindi ka agad nagsabi.",sabay tingin niya sa magkabilang hallway at itinuro sa aking pumasok ng kanyang kwarto.
Sumunod ako sa kanya na maingat na inilalapat ang aking mga paa sa sahig na may iba't ibang pinturang nakalatag. I might say an abstract.
"Rigor's a real player. Always, 'checkmate!'",malakas ang pagkakasabi niya nito.
BINABASA MO ANG
Get a Grip
RomanceSapat na ba ang salitang pag-ibig para mahalin ang isang tao? Sapat na rin ba ang salitang paglayo upang makalimutan siya? Kaya mo bang maging matatag sa maaaring kahantungan ng pagmamahalang ito? At dapat na bang kaawaan ng kalangitan ang pagsintan...