Kabanata 24 Best Mistake

17 1 0
                                    

Kung ano ang naging kaganapan ng oras na iyon sa pagitan nina Reagan at Jillian ay wala na ako doon. Sa kanilang dalawa na ang mga sandaling iyon na batid ko namang natutukoy sa pagturan ng mga patlang na hindi sila nagkita at nagkasama.

Bakit kaya hindi pa nila pakawalan ang isa't isa lalo na't ikakasal na sina Kuya Errol at Jillian? Mas komplikado ang kanilang sitwasyon.

Naglaho na rin ang mga kahindik-hindik na panaginip ko. Ang sarap sa pakiramdam na mahimbing na akong nakakapahinga sa kabila ng mga kinikimkim kong problema. Hindi naman ako nag-iisa kaya nakayanan kong lampasan ang mga iyon. Nakaagapay sa akin si Reagan samantalang hindi rin ako pinababayaan ng aking kapatid. Kabilang pa rin sa aking gawain ang homeschooling session ko kay Mrs. Morfe. Si Rigor naman sa awa't habag sa akin ng nasa itaas ay nagpakita sa akin. Naging hectic ang schedule niya sa kanyang trabaho kaya hindi niya ako mabisita. Iyon ang naging pahayag ni Reagan pero hindi rin siya sigurado sa nakalap na impormasyon.

Ngunit bumawi rin siya sa oras na hindi ko siya nakasama. Namasyal kami sa isang theme park at kasama namin si Reagan na nababagot na. Sumakay kami sa mga rides at sa maniwala kayo sa hindi ang naging paborito ko sa lahat ng mga iyon ay ang carousel.Tatlong beses kaming sumakay doon. Sana nga lang tumagal na nagkasama kami ng araw na iyon kaso limitado lang ang oras namin para sa isa't isa.

Mabilis na kinain ng panahon ang Hulyo. Hindi ko na namalayan ang pagsipot ng buwan ng Agosto.

06:17 pm. Iyan ang nakalagay na oras sa aking orasan na nasa side table. At sa ganoong oras ay nakahiga na ako sa aking kama. Ang lamig ng panahon dulot ng sunud-sunod na pag-ulan. Kaya naman balot na balot ako sa aking kumot. Gusto kong maging komportable sa init na ibinibigay ng aking kumot pero nakukulangan pa rin ako. My bed's getting cold when he's not here lying beside me.

Ipinikit ko na ang aking mga mata. Mapapaaga pa yata ang pagtulog ko pero nang may narinig akong magkakasunod na katok sa aking pinto ay nagising na naman ang diwa ko.

"Lala, pakibukas ng pinto. Si Kuya Errol mo ito."

Sabi ng boses sa kabilang bahagi ng pintuan.

Tumayo na ako sa aking kama at pinagbuksan ng pintuan ang aking panganay na kapatid.

"Naistorbo ba kita?"

"Hindi naman kuya..."

Binigyan ko ng isang ngiti si Kuya Errol. Wala na namang paglagyan ang kasiyahang nararamdaman ko sa tuwing pinupuntahan niya ako sa aking kwarto tuwing gabi. Nagsimula iyon matapos iyong engkwentro naming dalawa noong nakaraan sa harapan pa ng babaeng papakasalan niya. At pinagsisihan ko naman iyon na inamin ko rin sa kanya nang mag-usap kami noong unang gabi na nakipagkwentuhan siya sa akin. Nag-order pa siya ng pizza habang inaalam niya ang mga kaganapan sa buhay ko. Sana ganito palagi si Kuya Errol. Mas gusto ko na parang matalik kaming magkaibigan sa simpleng bonding na ito kaysa sa pagiging istrikto niya. Nakakasakal iyon para sa akin.

"Siguro handa ka ng pumasok sa isang Unibersidad? Saan mo ba gusto?"

Wika ni kuya na nakaupo sa paanan ng aking kama na nakatingin sa kanyang cellphone.

"Sana nga kuya. Kilala mo naman ako di ba? Going out of my shell is never been easy for me."

"You can survive. Hindi ka naman kasi pwede na lagi ka na lang dito sa bahay. You must now face the world."

"Eh di ba ikaw ang may gusto na nasa bahay lang ako. Kung hindi pa nga dahil ni Ri-- I mean Reagan at ni Mrs. Morfe nakakulong lang ako dito. "

Pakiramdam ko ang tapang ko nang mabigkas ko ang mga salitang iyon.

Si Kuya Errol naman ay umiwas ng tingin sa akin. Ang kanyang atensyon ay nakasentro sa direksyon ng bintana. Hindi ko alam kung nahalina ba siya sa paggalaw ng kurtina dahil ng hanging nagmumula sa labas ng aking silid o nag-iisip siya.

"Pasensya ka na kung naging malupit ako. Ayoko lang kasi na mapahamak ka at mawala tulad ni Papa..."

Agad akong nalumbay sa narinig kong ito. Ang pagkawala ng aming ama ang dahilan ng mga bangungot ko. Ito rin ang dahilan ng survivor's guilt na nararamdaman ko sa loob ng maraming taon. Nakakapagtaka na nabuhay pa ako. Bakit si Papa lang ang kinitil ang buhay ng oras na iyon? Bakit si Papa lang ang nagdurusa?

"Marami na akong ipinagdamot sa'yo Angela pero hindi ibig sabihin niyon ay pinagmamalupitan talaga kita. Mahal ko kayong pamilya ko, Angela. Hindi ako perpekto pero gusto ko namang ibigay sa'yo ang perpektong buhay na hinangad ni Papa para sa atin. Iyon lang ang gusto ko... Iyon lang. Being an unknown criminal is my best mistake. Nailigtas ko ang buhay mo. Hindi ka nagutom. Hindi tayo naging palaboy at may sarili tayong tahanan. Kahit na mabagal ang recovery mo sa sakit mo, nakapag-aral ka. Isa lang ang pinagdadasal ko, Angela. Gusto mo bang malaman kung ano 'yon?"

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na naging emosyonal siya sa aking harapan. Iyong Kuya Errol ko na bato at seryoso ay hindi ko na makita sa kanya ngayon. Iyong matapang at hindi pinanghihinaan ng loob ay pwede rin palang maging maliit at malambot. Hindi siya nagpadalos-dalos na ipahayag kung ano talaga ang nasa puso niya. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa na hindi mabatid ang nasa isipan ng kapatid ko.

Tumango ako sa kanya at saka'y ngumiti.

"Ayokong matulad ka sa akin. Ayokong mangyari na maging katulad ka rin ni Mama. Hangga't maaga pa ay gusto ko ng lunasan ang maaaring kahinatnan ng lahat ng ito. Ang gusto ko'y hindi mapariwara ang buhay mo."

Wala akong maitugon sa kanyang mga sinabi. Kaya ang ginawa ko sa kanya ay mahigpit ko siyang niyakap. Nakakapagsisi na hinusgahan ko agad siya sa kanyang mga paraan. Maling-mali ako sa aking naisip ng mga nakaraang panahon.

"Patawarin mo ako, Angela."

"Tapos na 'yon kuya. Ang mahalaga ay kung ano tayo sa ngayon. Salamat po."

Kahit wala ako sa pormal na paaralan, ipinagmamalaki kong natututo ako sa mga bagay na dati ay hindi ko naiintindihan. At ang nangyari ngayong gabi ay habambuhay ko ng itatatak sa utak ko. The best mistakes, huh?


"Angela, may tumatawag sa'yo sa telepono."
Ani Manang nang makapasok siya sa kusina.

"Sino raw po?"
Tanong ko pabalik sa kanya habang abala ako sa paghuhugas ng aking pinggan, kubyertos at baso.

"Hindi po sinabi eh."

Nagpunas ako ng aking kamay gamit ang puting bimpo na nakalapag sa counter. Kasabay nito ay ang pagtataka ko na may tumatawag sa akin sa telepono.

Nagmadali akong pumunta sa salas at kinuha ang telepono sa isa pa naming kawaksi.
"Hello?"

Hindi agad sumagot ang nasa kabilang linya. Napakunot ako ng aking noo. This is weird.

"Hello? Sino po sila?"

Tumawa muna ang nasa kabilang linya bago tumugon sa akin.
"Kamusta ka na Mahal kong prinsesa?"

And this is my best mistake...

Get a GripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon