Kasabay ng paglipad ng mga ibon sa himpapawid ang pag-arangkada ng mga bangkang may layag sa isang bahagi ng Muelle Bay. Pakanluran nanggagaling ang hangin kaya malakas ang hambalos nito sa tubig-dagat pero tama lang para sa mga interesado sa sailing. Isinama ako ni Rigor sa Sand Bar kung saan may maliit na kompetisyon sa sailing ang kanyang mga boss at isa si Rigor sa nakikipag-unahan sa miyembro ng kanilang organisasyon. Ako, tahimik na nanonood sa kanila at nakaupo sa kubo. Samantalang, may mga babae na humihiyaw sa kanilang sinusuportahan sa sailing. Lahat ng mga babaeng ito ay nakasuot ng bikini. Balingkinitan ang kanilang pangangatawan, makinis ang balat, may morena, maputi at kayumangging balat dahilan kung bakit sila ang apple of the eye ng mga ibang lalaking namamahinga sa aking mga katabing kubo. Sa lugar ay nagkalat ang iba't ibang uri ng tao mapabanyaga man o lokal na turista. Bumaling ulit ako sa karera ng mga bangka ng mas lalong umingay ang mga babaeng tinutukoy ko kanina. Tumatalon pa sila nang maungusan ng isang lalaki si Rigor. At kung masaya sila, aliw na aliw din sa view ang mga nagnanasa sa mga babaeng ito base sa naririnig ko sa katabing kubo.
Sa iba pang nakaabang sa laban may mga nagpapalakpakan. Lahat ng tao rito ngayon ay may paborito. Umugong ang lugar sa kaliwa't kanang pagtawag ng mga pangalan kung sino ang dapat manalo sa sampung bangka. Nangibabaw doon ang pangalan ng taong aking kakilala. Nasorpresa ako sa balitang ito na narito na ulit siya sa Puerto Galera. Ito ang nagpapatunay na di titigil si Kuya sa gusto niyang mangyari: ang makaganti kay Rigor o kaya ay ang pagpapauwi sa akin.
"Reagan! Reagan!"
Paulit-ulit ang madla dahil nanguna na ito sa karera. Si Rigor ay naging pangatlo. Sa aking palagay ay nawala ang kanyang konsentrasyon sa laban dahil natalo siya ni Reagan. Boys and their ego.
"Panalo ako! Pa'no ba 'yan?!"
"Pennies, dimes and bucks. Tsk!"
"Sir, we're here in the Philippines. You better give me thousands of peso!"
Iyan ang mga naririnig nang nanalo na si Reagan. May mga nagpustahan din pala. Isa-isang dumadaong na ngayon ang mga bangka. Agaw pansin pa rin ang anim na babaeng sumisigaw sa pangalan ni Reagan. Malayo pa lang ay pinapaabot na nila ang pagbati sa nanalo.
Tumayo ako at nilisan ang kubo upang lumapit sa baybayin. Gusto kong salububgin si Rigor. Iyon na lang ang aking magagawa pagkat di ko man lang naipakita ang suporta sa kanya habang may kompetisyon. Hindi ko naman kayang makipagsabayan sa kanila. Batid kong makakain lang ang tinig ko ng kanilang malalakas na boses.
"Rigor..."
Mayumi kong tinawag ang kanyang pangalan nang tumigil na sa pampang ang kanyang bangka. Ngunit siya ay nasa kabisera at ako naman ay nasa kaduluhan kaya imposibleng marinig niya ako sa gitna ng nagkakagulong madla.
Nakayuko akong bumalik sa kubo. Nakapanood muli ako sa malayo. Nagmamasid sa lugar na ito. Isinama na ako ni Rigor sa isang pagtitipon na ito dahil nga hindi niya gustong nag-iisa ako at mas lalong wala na siyang interes na makipagkita pa sa akin ang aking ina. Magkagayunman, nag-iisa pa rin ako. Si Rigor lang magpagkakatiwalaan ko.
"Malalim ang iniisip?"
Tumanghay ang aking ulo upang makilala ang may-ari ng boses na iyon at napag-alaman kong si Reagan ang lumapit sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya at walang balak na palaguin pa ang usapang ito.
"Kamusta ka na?"
Umupo siya sa aking tabi na may maliwanag na mukha. Di alintana na may masamang nangyari sa amin noong nakaraang nagpunta siya rito. Medyo lumayo ako ng pag-upo sa kanya. Wala pa rin akong tiwala sa kanya.
"Hindi mo pa rin ba ako kakausapin?"
Hinawakan niya ang braso ko at inilapit muli sa kanyang tabi. Ngunit binigyan ko lang siya ng blankong ekspresyon.

BINABASA MO ANG
Get a Grip
RomanceSapat na ba ang salitang pag-ibig para mahalin ang isang tao? Sapat na rin ba ang salitang paglayo upang makalimutan siya? Kaya mo bang maging matatag sa maaaring kahantungan ng pagmamahalang ito? At dapat na bang kaawaan ng kalangitan ang pagsintan...