Chapter 5 - A Poem

4.3K 165 176
                                    

Chapter 5

Zaki's POV

"Ano bang nangyari sayo!?" Tanong ni Natnat sakin habang hinihimas-himas ang ulo kong may benda, i pouted and embraced her, siniksik ko ang ulo ko sa leeg niya, pareho kami ng pabango ni Natnat kaya gustong-gusto kong akapin siya.

"Hindi ko maalala" pag-amin ko sa kanya, she sighed at bahagyang lumayo sakin, she cupped my cheek at pinagmasdan ang buong mukha ko.

"Sigurado ka bang normal lang yan?" Tanong niya ulit.

I bit my lower lip and nodded at her, ilang beses niya nang tinanong saken kung normal lang ba yung pag-kalimot ko sa mga bagay-bagay, oo naman, normal lang 'yon saken.

Madalas akong makalimot.

Saka hindi naman yung sugat ko sa ulo yung inaalala ko ngayun eh, nawala ko yung phone ko, baka tumawag sakin sila mom, hindi ko pa din naman saulado yung mga phone numbers nila kung sakaling sipagin akong bumili ng bagong phone.

Natnat let me sleep on her bed, actually i'm here on her condo, bigla nalang kasi akong nagising sa bahay ng kung sino man, hindi ko kasi nakita kung sino yung may-ari, nag mamadali din ako dahil baka hinahanap na ako samin, nalaman ko din na isang araw din akong hinahanap ni Nat at ni nanay Nalyn.

Isa pa pala, hindi alam ni nanay kung bakit ako wala, kahit ako nga hindi ko alam eh, hehe, nagpalusot lang kami ni Natnat, sabi namin nawala ako sa daan nalimutan ko daan pabalik kaya nag stay muna ako sa isang hotel tapos nag pasundo ako kay Natnat.

Eh yung totoo naman is naglakad ako papunta sa pinakaunang hotel na nakita ko, mabuti nalang dala ko yung isang card ko na naka-ipit sa bra ko, nung una ayaw pa akong papasukin, hmp suplada nung receptionist hampas ko kaya sa kanya yung heels ko?

Pasalamat siya masakit ulo ko that time eh.

Saka may-ari si Natnat nung hotel na 'yun, i mean yung family nila kaya natawagan ko siya, nako! Mabuti nalang talaga. After that, inutusan ko siyang dumaan sa house and kumuha ng ilang damit kasi dito muna ako mag sstay hanggang sa pwede nang tanggalin ang bendang nasa ulo ko.

***

I woke up early, sabay kaming pumunta ni Natnat sa school, as usual, binabati padin ako ng mga fans ko, chr. Syempre yung mga estudyanteng super duper gandang ganda sakin.
Totoo naman 'yon */hairflip.

Hawak ko sa braso si Natnat kasi ayaw nanaman mag-paistorbo sa pag-babasa niya ng wattpad, hindi ko alam kung ano nanaman ang binabasa niya pero tuwang-tuwa naman, kinikilig pa ang gaga.

We parted ways sa kalagitnaan ng pag-lalakad, dahil iba ang klase niya at iba din ang klase ko, yung first period ko ay si Miss-Professor Felicity.

Speaking of Miss-Professor, ilang araw ko din siyang hindi nakita ah? A small smile crept into my lips as i recall our last encounter, nasa party kami nun ni Mr. Ano nga ulit last name nun?

Ah! Benitez!

Speaking of that party... pano ako nakaalis dun? Hay nako! Nalimutan ko nanaman! Anyways, ang ganda niya talaga nung gabing 'yon, she's wearing that white dress, it really suits her well, it's emphasizing her goddess-like beauty.

She's like the full moon shining bright in the dark night.

I dreamily sigh, i don't know what's happening to me that everytime i think about her, i'm ending up praising her appearance.

Alangan naman i praise ko yung ugali niya, eh ang sungit sungit nun.

Nung makapasok ako sa loob ng classroom namin ay napatingin ang lahat sa gawi ko, malamang, maganda ako eh, agaw pansin talaga ang kagandahan ko, lalo na ang cute smile ko na nakakatunaw ng mga hearts!

Hello Professor (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon