Chapter 16 - Febby Loure Samson

3.9K 155 104
                                    

Chapter 16

Zaki's POV

Puno ng hiyawan at kung ano-ano pang reaksyon ang naririnig ko dito, ansakit na ng pretty ears ko dahil sa kanila, sampu kaming kissers, ikalima si Hestia habang ako naman ay ang huli, ginawa pa talaga nila akong huli, eh mamaya madami nang tao piste.

Ipapalapa lang ako ni Sammy sa mga lalake dito eh!

Iw!

I heaved a deep sigh, wala naman na akong magagawa eh,

Pumunta ako sa back stage ng kissing booth kung saan nasan ang mga kissers, lima para sa babae, lima para sa lalake.

"Hoy! Aanhin ko yang lipstick?" Tanong ng isang lalake na animo'y takot na takot na umaatras mula kay Sammy na may hawak na lipstick.

"Papakain ko sayo baka mabusog ka" sarkastiko niyang saad.

"Ahhh! Get away from me!" Umaarteng saad ng lalake na ikinatawa naming lahat,

Samantha has a lot of friends.. pag sinabi kong a lot, i mean A LOT! gulat ka nalang kilala niya yung mga strangers na nakakasalubong mo.

She's pretty and friendly, maganda din ang vibes niya kaya siguro madaming gustong maging friends sa kanya.

Napailing iling nalang ako saka umupo sa harap ng mirror na pag aayusan ko, hindi na ako kumuha ng mag aayos, ako na mismo ang gagawa nun for myself.

Total nag sisimula naman na ang program, mag sisimula na akong mag ayos.

First, nag suot ako ng make up, hindi masyadong makapal kasi napaka init ba naman masasayang ang effort ko kapag natatanggal lang ng pawis ko.

Medyo light lang siya, nag liptint lang ako for my lips kasi ang perfect na ng color ng lips ko para mag lipstick. I didn't bother myself to tie my hair, kase mas maganda naman kapag nakalugay ito.

I checked myself out in the mirror and i can say that i'm really hella pretty, shocks. Habang tumitingin ako sa salamin napalingon ako duon sa gawi nila Sammy, bigla kasing umingay sa paligid eh, eh dakilang chismosa ako.

Tumayo ako para puntahan si Sammy saka dun sa nag kukumpulan. Mula sa distansya ko sa kanila ay rinig na rinig ko na ang sigaw ng dalawang babae "fuck! Get this thing off me!"

"Oo! May nasabi ka na ding tama butiki! Tanggalin niyo to!"

"Ugh! You're so freaking annoying, bulldog! I hate you! You're a pet killer!"

"Pinatay mo din ang pet ko!"

Base on their voice, i already knew who it was sino pa ba? Edi si Professor Santillan saka si Kofi, Kofi is pretty well known here because of her sister Hestia, and besides, maganda naman talaga genes nila.

Pero mas maganda ako.

"Wag na po kayong manlaban professor Santillan, pahihirapan niyo lang po kami ehhh" reklamo nung isang nang huhuli.

"You want me to be in that freaking fake jail with this little brat!?" Naiiritang tanong ni Professor Santillan habang pumipiglas.

"Wow! Parang gusto kitang makasama dun ah?"

"Mas gugustuhin ko pang makasama yung kaluluwa ng butiki mo kesa sayo!" Ganti agad ni Professor Santillan kay Kofi.

"Mas maganda pa ugali ng butiki ko kesa sayo!"

"Mas maganda pa nga ang bulldog ko kesa sayo!"

Napasinghap si Kofi, habang nakahawak sa dibdib niya.

"How dare you compare me to a bulldog?"

"How dare YOU to compare me with that lizard"

"i hate you!"

Hello Professor (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon