Chapter 9 - Practice The Walk

3.7K 154 185
                                    

Chapter 9

Zaki's POV

Napanganga ako sa laki ng bahay ni Miss-Professor, hindi na ata to bahay, palasyo na ata 'to!

Pero mukhang pamilyar?

Bumaba ako ng kotse saka pinagbuksan si Miss-Professor, nauna siyang pumasok sa loob habang ako naman ay nakasunod lang sa kanya.

She took me to a room, pero may malaking mirror, parang dance studio ang peg, pero may mga barble and then treadmill madami pang chuvanes dito na makikita sa gym, hindi ko alam kung ano ang mga tawag. Parang dito ata siya ang eexercise, ang ganda kasi ng figure ni Miss-Professor, halatang babad sa exercise.

"Do you wear heels, Rovello?" Napalingon ako kay Miss-Professor, she's now holding two small boxes na magkapatong pa while walking through me.

"Opo, why?" I asked her back,

When she fianlly stood in front of me, she handed me the boxes and slightly pushed me, napasinghap pa ako nang magdikit ang shoulder ko sa palm niya, gosh!

So warm!

"Go wear that" she said before turning around and leaving me.

Napaka bossy niya talaga!

Nakasimangot akong pumunta sa gilid kung nasaan ang sofa saka side table, nilagay ko ang dalawang box duon at isa isang binuksan.

Yung unang box is may heels na color black, and yung ikalawa naman is flatform heels, ano bang gagawin ko dito?

Pukpok ko kaya sa ulo ko?

Chr.

Kinuha ko ang black heels saka sinuot, inayos ko ang lock saka sinubukang tumayo, may parang glitter na design iyon kaya parang nag shi-shine siya sa ilaw.

Itinabi ko na ang box sa sofa saka sinasanay ang paa ko sa heels na binigay ni Miss-Professor. Mukhang mamahalin 'to ah? Sanaol mamahalin.

Ako kaya?

Chr.

Ilan pang minuto bumukas na ang pinto at pumasok si Miss-Professor na may librong dala. Napakunot ang noo ko, luh..

"Mag babasa ka Miss-Professor?" Nagtatakhang tanong ko sa kanya.

"Chin up, Rovello" utos niya nanaman sakin.

Hindi ba napapagod to kakautos? Halatang tamad ah? Chr.

Anyways!

Ilang segundo pa akong hindi nakagalaw hanggang sa itaas niya nanaman ang holy kilay niya, natulala pala ako. Napalunok ako saka ginawa ang gusto niya, dahan-dahan siyang lumapit sakin na ikina tuyo ng lalamunan ko, shet!

Ayan nanaman po siya.

"Miss-P-prof---"

"Don't move" she said like it's an unbreakable law,

Napapikit ako akala ko ihahampas niya sakin yung libro, pero hehe pinatong niya lang pala sa ulo ko, nakahinga ako ng maluwag dahil duon!

Gosh!

Sobra na ata ako sa kape.

"If this book fall, i'll pinch your nose" she said nang matapos niya lang ilagay ang libro sa ulo ko saka siya umatras.

"Ha?? T-teka! Bakit!?" I freaked out, sa pagkabigla ko ay biglang nahulog ang libro.

"Miss--ARAY!!! AHHHH!!! MISS-PROFESSSOOOOOOORRRR MASAKEEEEEEEEET!!!" Maluha luha ako nang bigla niyang kurutin ang ilong ko.

Napahawak ako sa ilong ko nung tuluyan niya na itong bitawan, she is clearly abusing my beautiful nose! This is an abuse! This is unnacceptable! I demand an ap----

Hello Professor (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon