Chapter 14 - A Dinner Date

4K 165 487
                                    

Chapter 14

Zaki's POV

I'm so excited! Miss-professor agreed to have a dinner date with me!

well... medyo nahirapan ako pero anyways, masaya akong naglalakad papunta sa first subject ko na kung saan makikita ko ang mukha ni Miss-Professor.

Pumasok ako sa loob saka pumunta sa pwesto ko, maaga pa naman kaya kokonti palang ang mga estudyanteng nandito sa room.

Yung iba nag babasa ng libro, yung iba naman may tinatapos na activities, ako?

Wala lang, kinuha ko ang Cellphone ko saka binuksan to, parang binomba ang notification ko dahil sa mga message ng kumag sa group chat namin.

Wala naman akong gagawin kaya binuksan ko na.

Jonah: Lunch later?

Hestia: sige sige, sa canteen nalang tayo mag kita
Nathalie: Libre niyo ba? Kapag libre game ako

Samantha: I could buy you lunch, Natasha.

Nathalie: Bilhin mo nalang buong canteen🙄

Samantha: Are you sure?

Jamie: kung bibilhin mo yung buong canteen ibig sabihin ba nun libre na pagkain namin?

David: Oo nga ano?

Vannessa: Go Sam! Bilhin mo yung canteen

Uhhh parang ayoko na lumapag, magpapalibre nanaman yung mga ungas, agad kong tinago yung cellphone ko dahil sa naisip, buburautan lang nila ako eh, gagastos pa ako para sa dinner date namin ni Miss-Professor tomorrow hihi.

Mamaya sasamahan daw ako ng mga ungas bumili ng mga kakaylanganin ko at wala naman akong nagawa, tamang-tama at sabado bukas, wala kaming pasok hihi

Napatigil ako sa pag-mumuni muni nang biglang tumahimik ang lahat sa buong kwarto at pares ng takong lamang ang tanging naririnig sa palibot, alam na alam kong siya ito dahil sa kakaibang presensya na nabibigay niya sa loob ng kwarto, it was full of authority and heavy.

Mukhang bad mood siya.

"Turn your books on page..."

***

"Zaki!" Tawag sakin ni Hestia, she's on her car with her windows down, alam kong sinusundo na nila ako dahil balak ko lang naman ailang takasan.

Ewan kinakabahan ako eh ba't ba?

"Asan na sila?" I boredly asked her as she steps out of her car. "Already waiting on mall, sabi nila mag bar daw tayo after shopping, i already said yes, actually lahat kami, ano game ka ba?" Hestia asked

Bar? Not bad...

Sa gabi naman yung dinner eh, alangan naman mag dinner kami sa umaga diba?

Hindi lang siguro ako iinom ng sobrang dami.

Well, lagi naman eh ginagawa akong yaya ng mga ungas kong kaibigan kapag nalalasing sila, amg hirap-hirap kaya nilang buhatin isa-isa lalo na yung apat na lalakeng sing lalaki ng katawan hindi man lang kayang hindi malasing sa inuman.

Kawawa tuloy ang oh so precious beauty ko.

Saka isapa, para naman akong killjoy kung lahat sila sasama tapos ako hindi diba?

Syempre hindi pwede yon

"Okay fine, wag lang sila maging pasaway sa mall" i said

Hestia's eyes sparked and she squealed excitedly "oh gosh! Okay!" Napailing nalang ako sa reaksyon niya itong kapreng to.

Hello Professor (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon