CHAPTER 37: PANDORA'S BOX (Aerosmith)

118 1 0
                                    

"Anak, ano 'yang pulang kahon na 'yan?" tanong sa akin ni Mama.


"Ito ba, Ma? Itong mga papel na 'to? Dito nakalagay lahat ng komposisyon ko. Ang dami na rin pala ng kantang nagawa ko," proud kong sagot sa kanya.


"Ikaw Jayjay, huh. Pansin ko ang gabi na lagi ng uwi mo," sita niya, "wala ka nang inatupag kundi 'yang bandang 'yan."


"Ma naman, 'yan na lang kaligayahan ko, eh. Kesa naman mag-drugs 'di ba?"


"Wala naman akong nakitang masama sa pagkahilig mo sa musika, Anak. Alam mo namang suportado na kita diyan kahit nung bata ka pa lang. Nanghihinayang lang ako talaga sa'yo. Grade school at high school kasi honor student ka. Ang talino mo kaya. Sana magka-honor ka ulit."


"Siguro naman sapat na nabigyan na kita ng dalawang medalya, Ma. Ngayon ko lang ine-enjoy ang buhay ng isang ordinaryong student. Tapos na ang mga araw ng pagiging pipitsuging nerd ko. Saka, so many girls, so little time!"


Tinuro ako ni Mama, "hoy, Jayjay. Hindi porket sinaktan ka ng isang babae, gagantihan mo na ang lahat ng babae na makikita mo. Makonsensya ka nga. Isipin mo, babae din ako!"


Tumungo ako. Napatahimik ako.


"Wala namang nanay na gustong malayo sa matuwid na buhay ang anak niya," aniya, "alam ko namang kaya mo na ang sarili mo, pero sana pakinggan mo pa rin ako."


Tumango ako, "nakikinig naman ako, Mama. Tayong dalawa na lang ang magkasama. Mahalaga ka sa'kin. Nararamdaman ko na sa pagbabanda ko mai-improve ang buhay natin. Ang kahon na 'to ang mag-aahon sa atin. Trust me. Pangako Mama, you'll be proud of me."


Niyakap niya ako, "ano ka ba? Proud na 'ko sa'yo, Jayjay, noon pa."


"Thanks Ma."




——————————————————————————————————————————————




"Mga parekoy, tingnan niyo 'to," ani Wendell habang pinapakita sa amin ang isang poster bago magsimula ang ensayo.


"Torque Incorporated National Battle of the Bands," sabay sabay naming binasa.


"Kaya na ba natin sumali sa ganyan?" tanong ni Charles, ang dating bokalista.


"Kaya 'yan. Isang taon na rin tayong laging panalo sa mga contest at nag-iikot sa mga gigs at shows, tingin ko naman, hasa na tayo," tugon ni Sonny.


"At saka, ang grand champion, makakakuha daw ng record deal, mga tsong," banggit ni Marko.


"Sige! Sali tayo! Wala namang masama kung susubukan, 'di ba?" suhestiyon ko, "saka baka heto na ang hinihintay natin na break natin into mainstream."

The Lightning Train CommutersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon