ENCORE RUN 1: ANGEL (Sarah McLachlan)

172 1 0
                                    



>>> BACLARAN


Nasa gitna ng dalawang couch kaming dalawa.


Naka-cap kami pareho. Para hindi makilala ng fans si Rodney.


"Na-miss ko 'to," sabi ko kay Rodney.


"Oo nga, ang daming nangyayari dito, ano?" tugon niya, "lalo na sa'tin. Buti nag-joyride tayo."


"Oo nga. Na-miss ko 'yung clinic namin dito sa Baclaran."


"May naalala ako diyan."


"Haha. Oo. Takot sa karayom."


"Hindi ah!"


"Utot mo! Sigaw sigaw ka pa."




>>> EDSA


"Pero aminin mo. Nung nag-PE ka sa'kin, hindi naman masyadong halatang nabighani sa macho kong katawan."


"Oo na, sige na. Pinagnasahan na kita no'n. Masaya ka na?"


"Oo. Hahaha."


"Asus, kala mo siya hindi tinablan no'n."


"Oo nga. Ang kinky kaya no'n. Gawin natin ulit."


"Haha. Oo ba."




>>> LIBERTAD


"Hindi ko malilimutan 'yung gabi na nabasa tayo ng ulan."


"Oo nga, 'yung depektibo kong payong."


"Mukha ka kayang tanga no'n. Ang drama mo, kaya."


"Kilig ka naman?"


"Konti lang."


"Hindi nga?"


"Oo, na. Kilig na."




>>> GIL PUYAT


"Dito na ang lovenest natin."


"Naaalala ko 'yung time na pinag-uusapan natin ang habambuhay nung nasa Tagaytay tayo."


The Lightning Train CommutersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon