CHAPTER 30: BAD ROMANCE (Lady Gaga)

134 0 0
                                    

>>> QUIRINO


Alas-onse ng gabi, Biyernes.


Ang lahat ng tauhan sa clinic, kasama ako, ay nasa Padi's Point.


Birthday kasi ni Boss Ai. Dinala niya kami dito para i-treat.


Pagkatapos mag-dinner ay inuman, pulutan and sayawan na kami.




Wala akong gana. Masyadong magulo ang linggong nagdaan.


Masyadong malamlam na mabuhay na mag-isa.


Tulad ng inaasahan ko, si Doc Minette at ilan kong babaeng kasamahan ay sinusubukan akong akitin. Alam kong matagal na nila akong sinisipat sa clinic kung sino sa kanila ang tataluhin ko.


Si Doc Minette gusto yatang maulit ang gabing pinagsaluhan namin sa unit niya noong bago pa ako sa clinic.


Siguro kung dati, kanina ko pa sila pinatulan. Kayang kaya kong pagsabayin kahit lahat pa sila.


Pero ngayon talaga, parang walang epekto sa akin ang seductive dancing nila. Kaya hindi nagtagal naghanap na sila ng ibang lalaki sa bar na malalandi.




Nanatili akong nakatayo sa pader sa isang gilid at nagbibilang ng mga off-key ng keyboardista ng banda.


Nagmamasidmasid sa mga tao sa loob.


Mga isang oras din akong walang imik at nag-oobserba lang.


Hanggang sa may nakapukaw sa aking atensyon.




Nanlisik ang aking mga mata sa babaeng nakita ko sa gitna ng dance floor.


Nabuhay ang pagkarimarim sa aking isipan.


Shit. Andito ka pala.


Mas maganda ngayon. Sexy ka pa rin.


Mahabang buhok.


Mapupungay na mata.


Malaporselanang kutis.


Mapupulang labi.


Ang ganda mo pa rin magdala ng damit.


Magaling ka pa rin sumayaw. Nakakaakit. Takaw atensyon.


Kay rami pa ring lalaki ang pumapalibot sa'yo.

The Lightning Train CommutersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon