CHAPTER 48: BREAK ME (Jewel)

135 0 0
                                    



Hindi na mabilang kung ilang luha ang pumatak mula sa aming mga mata hanggang sa matapos ang kuwento ko. Ang dahilan ng lahat ng mga dahilan.


Tahimik lang si Rodney na nakikinig hanggang sa matapos ako.


Sa dulo ng kuwento, ako ang masmalakas ang hagulgol.




"Jayjay, I'm sorry... I'm sorry..." tila nagmamakaawang bulalas niya, "inaya niya ako makipag inuman nang naihatid ko na siya sa kanila. Dahil sa dramahan naming usapan, naparami ako ng inom, siya rin. May nangyari sa amin. Kaya din siguro hindi kami nakagamit ng protection."


"Tapos na 'yon, Rodney, nandiyan na 'yan. Wala na tayong magagawa," sabi ko sa gitna ng mga hikbi, "isa pa, kasalanan ko rin. Kung mas maaga kong inamin sa sarili kong gusto kita, eh 'di sana nabakuran kita kay Apple."


"Hindi ako madamot, pinalaki ako ng magulang ko ng matino, pananagutan ko ang bata," seryosong banggit niya.


Tumango ako, "mabuti naman. 'Yan ang tama mo talagang gawin."


Umiling siya, "pero hindi ko pakakasalan si Apple."


"Rodney?!" saway ko sa kanya.


"Unfair sa'kin dahil ipapatali mo ako sa babaeng hindi ko mahal. Unfair kay Apple kasi mabubuhay siya sa habang panahon kasama ang lalaking hindi naman siya mahal. Unfair sa'yo dahil alam mong pareho tayong nag-e-exist at nagmamahalan pero hindi tayo ang nagkatuluyan."


"Pero unfair sa bata. Wala siyang kasalanan."


"Mas unfair kung mabubuhay siya sa pamilyang hilaw."


"Mas unfair kung mararamdaman niya ang hinagpis ng isang hati at magulong pamilya. Huwag kang selfish Rodney. Alam mong sa psychology, na ang pinaka-ideal para sa bata para matungtong niya ang maayos na psychological development ay ang isang generic na pamilya. Na merong nanay at tatay. Hindi nanay lang. Hindi tatay lang. Hindi tatay at isa pang tatay."


Hindi siya sumagot. Marahil napagtantong tama ako.


"Gawin mo ang tama," dugtong ko.


Tumango lang siya.




Napatingin ako sa orasan. Eleven PM.


"May limang oras pa tayo bago matapos ang bisa ng slave tag," banggit ko.


Pinunasan niya ang luha niya, "break-up sex?"


"Break-up sex," mariin kong sabi.

The Lightning Train CommutersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon