CHAPTER 35: BITIW (Spongecola)

149 1 0
                                    

>>> PEDRO GIL


"Jayjay, okay ka lang? Bakit kanina ka pa parang hindi mapakali diyan?" ani Rodney sa akin.


Kinukuyom kuyom ko ang aking mga kamay. "Kinakabahan ako mamaya."


Natutuwang ibinalita sa amin ni Sonny na natanggap ng Pulse Harmony recording company ang aming demo tape. Nabilib ang bagong kompanya at nais kaming marinig tumugtog.


Upang sabay na makapunta galig trabaho, nagkontakan kami ng mariin ni Rodney upang makapag sabay sa iisang coach, sa dulo ng tren.


Napansin niyang aligaga ako habang nakatayo.


"Huwag kang kabahan. Ito na ang hinihintay nating break. Kaya natin 'to, saka sa ating dalawa, ako ang dapat kabahan dahil mas eksperiyensyado kang musikero kaysa sa akin," eksplika niya.


Umiling-iling ako. Hindi mo naiitindihan Rodney, hindi mo naiintindihan.




>>> CENTRAL TERMINAL


"Dito na daw 'yun."


"Huh?"


"Jayjay, okay ka lang ba? Parang may ibang bumabagabag sa'yo," pag-aalala ni Rodney.


Hindi talaga ako makapagtago sa lalaking ito.


"Bumaba na tayo, Rodney," dismissive kong sabi.




Nahuli kaming dalawa. Nandoon na sina Sonny, Marko at Wendell sa harap ng building.


"Excited na ba kayo mga parekoy?!" bungad ni Wendell, "sa wakas! Heto na ang hinihintay natin!"


"Oo nga. Buti na lang naulit ang ganitong pagkakataon," segunda ni Sonny.


Kumunot ang noo ni Rodney, "bakit? Na-offer-an na ba kayo dati ng record deal?"


Ngumuso sa akin si Marko, "tanong mo diyan kay Jayjay."


Padaskol na humarap sa akin si Rodney.


"Jayjay, heto na tayo. Heto na 'to..." mariing sabi ni Sonny.


Nakatulala lang ako.


"...Wala nang laglagan..." pagpapatuloy niya, "pakiusap Jayjay."


"Alam niyong tatlo kung ano ang pinagdaanan ko no'n," tanong ko sa kanya, "Sonny, pa'no kung hindi ko kayanin?"


The Lightning Train CommutersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon