CHAPTER 42: PASSENGER'S SEAT (Stephen Speaks)

147 1 0
                                    

"I look at her and start to smile... As we go driving for a while...

Her hair blowing in the open window of my car and..."


Si Rodney sa driver's seat. Ako sa passenger's seat.


Sumasabay pa kami sa kanta na pinapatugtog sa radyo ng kotse niya.




"Alam mo, Jayjay? Automatic 'tong kotse na 'to," hirit ni Rodney.


"Oo, alam ko," sagot ko sa kanya.


"'Yung isang kamay ko nasa steering wheel, 'yung isang kamay, libre."


Tinaas niya ang libre niyang kamay na malapit sa akin.


Matagal bago ko napagtanto kung ano ang gusto niyang gawin ko.


Hinawakan ko ng kaliwang kamay ko ang kanang kamay niya. Nag-interlock ang aming mga daliri.


Mula sa dulo ng aking mga kuko, naramdaman ko ang isang streak ng kuryente ang dumaloy sa akin at naglakbay sa buong katawan ko. Head rush na naman. Mali. Heads rush pala. Hehehe.


"First time kong makipag-holding hands," parang bata kong sabi.


Tumawa si Rodney, "congratulations."


"Yabang, porke ikaw ang dami mo nang nalokong i-holding hands."


Pinisil pisil niya ang kamay ko. "Pero heto lang ang tanging kamay na maganda ang fit sa akin. Mahaba kasi daliri mo. Tiklador talaga. Hindi ko bibitawan ang kamay mo, hinding hindi."


Pumisil din ako pabalik. Tapos nginitian ko siya.




"Nag-almusal ka ba? Kasi ako hindi," tanong ni Rodney.


"Hindi pa. Masyado kasi ako na-excite na sagutin ka na," natatawa kong sabi, "kaya pagkagising ko, ligo agad tapos punta na ako."


"Sige, daan tayong Starbucks. Bili kitang banana cake at papuchino," aniya sabay hagikhik.


"Talagang ira-rub mo talaga sa mukha ko 'yang simpleng pagkakamali ko na 'yan?" asar-talo kong turan.


Pilyong ngumiti siya sa akin, "oo! Papuchino!"


"Gago," banas kong sambit, "tumingin ka sa kalsada. Baka mabangga tayo."


"AHA! May naisip ako!" bulalas niya.


"Tangina Rodney! Nakakagulat ka naman, eh!" protesta ko.


"Term of endearment!"

The Lightning Train CommutersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon