CHAPTER 31: ANTHEM OF MY DYING DAY (Story of the Year)

129 0 0
                                    

BACKMASKING to the Getting to Know Each Other ride (Chapter 9).


>>> ABAD SANTOS


"Ikaw na. Ano nang topic ang ipo-propose mo?" tanong ni Rodney.


"Puwede ikaw na lang? Wala na akong maisip, eh."


"Hahaha. Sige, total nakuwento ko na in a nutshell ang buhay pag-ibig ko, ikaw naman... Na-in love na ba ang playboy na si Jayjay?"


Bumuntong hininga ako, "kailangan ko ba talagang sagutin?"


Tumingin siya sa'kin, "oo. Para patas naman. Kasi kinuwento ko 'yung sa amin ni Apple. Although may mga naging karelasyon akong lalaki na tingin ko ay minahal ko naman kahit papaano, pero maloko lang talaga ako."


"Tumingin ka sa kalsada," saway ko na sinunod naman niya.




"Ang unang tanong kasi diyan Rodney, ano ba ang extent ng relatedness mo sa isang tao para masabi mong mahal mo na siya?"


"Parang ang bitter ng tanong mo." Sabay halakhak si Rodney.


"Sagutin mo na lang."


Tumawa si Rodney, "sa pagkakaalam ko walang hanyang rule ang love. Sometimes you just know. Kailan mo huling inisip o inakalang na-in love ka?"




"Kung pinag-uusapan natin ang romantic love, fourth year high school."


"Tagal na no'n, ah."


"Kapag naranasan mo ang naranasan ko about that so-called romantic love, eh aayaw ka talaga na umibig ulit..." Shit. Bakit ko nga ba sinabi 'yon? Parang ang dami ko na masyadong shine-share lsa lokong 'to?


"Bitter ka nga. So, it didn't turn out well for you I presume?"


Tumango lang ako.




"What happened?"


"Malapit na mag R. Papa." Buti na lang. Ang Abad Santos at R. Papa junction ang pinakamaikli.


"Takas ka, ah."


"Basta. Ikaw na rin mismo nagsabi na hindi basta basta maganda mag kuwento ng nakaraan. Ikaw na rin mismo nagsabi na bitter ako. Kaya huwag nang pag-usapan."


"Kahit gist lang?"


Bumuntong hininga ako at sumalampak sa seat ko.

The Lightning Train CommutersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon