CHAPTER 39: HEALING (Deniece Williams)

160 2 0
                                    

>>> BACLARAN


Pauwi na ako galing clinic. Patungo ako sa ensayo ng banda sa Recto.


Nagtataka ako, wala pang text si Rodney ng hapong iyon. Nitong huling mga ensayo kasi, lagi kaming nagkikita sa Pedro Gil station para sabay kaming tumungo sa studio.


Kinuha ko ang cellphone ko. Magte-text na sana ako sa kanya nang may biglang tumawag. Hindi kilalang number. Sinagot ko.


"Hello? Sino ho sila?"


"Jeremy, ako 'to."


Kilala ko ang boses na iyon. Galit at takot ang namayani sa akin ng marinig ko iyon.


"Mayor Alejandro."


"Kumusta ka na?"


"Wala kang pakialam. Paano mo nalaman ang number ko?"


"I have my ways. Anyways, may offer ako sa'yo."


"Kung ano man 'yan, Mayor, wala akong paki."


"You have all the right to show angst," diretso ang tono ng boses niya sa buong pag-uusap.


"Buti alam mo. Sampung taon mo kami pinabayaan. Siguro naman alam mo naman na patay na si Mama. At hindi na kita ginagambala diyan. Ano pang nilalapit-lapit mo ngayon?"


"Hear me out. Baka gusto mo lang 'tong sasabihin ko. May tinatayong government hospital dito sa Ilocos. Patapos na. Bakante pa ang Senior Medical Technologist position. Iniisip ko baka interesado ka."


Shit. Ang gandang experience no'n! At malaki ang sahod sa government hospital. Senior Medical Technologist? Fuck.



>>> EDSA


"Hindi na. Okay na ko sa clinic ko at mga raket ko," pa rin ang nasabi ko nang may asar.


"Aling raket? Pagbabanda? Sus, 'yan ba pinagmamalaki mo?"


Ang daming alam nitong demonyong ito. "Tulad nga ng sabi ko, wala kang paki. At kung sa pagmamalaki lang, marami akong maipagmamalaki sa'yo. Hindi ako katulad ng mga spoiled brad mong mga anak. Nabuhay ako ng mag-isa sa loob ng ilang taon. Masaya na ako dito. Bakit pa ako babalik diyan?"


"Ikaw ang bahala, may idadagdag pa pala ako. May kaibigan akong nagtatayo rin ng ospital sa Saudi ang kaibigan ko. Irereto rin sana kita. Ayos na ayos ang magiging experience mo as Head ng Medtech Department para mapasok ka do'n."


Tangina. Saudi? Tangina talaga. Naririnig ko ang tunog ng carsh register sa utak ko.

The Lightning Train CommutersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon