CHAPTER 41: KISS ME (Sixpence None the Richer)

155 1 0
                                    

Hindi ko namalayan. Nasa bisig na pala ako ni Rodney. Napakahigpit ng yakap niya. Hindi na ako makagalaw. Hindi ako makawala. Sa bagay, wala pa naman akong balak kumawala.


"Best day of my life!" sigaw ni Rodney, "shit! Jayjay! Ang saya!"


Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Niyakag ko din siya ng mahigpit. Ang sarap ng pakiramdam ng katawan niya na nakadikit sa akin.


"Masaya din ako Rodney..."


Halos mamanhid na ang pakiramdam ko dahil sa kuryenteng umiikot sa buong katawan ko. Hindi ko mahabol ang hininga at bilis ng tibok ng puso ko.


Nakaka-overwhelm. Hindi ko ma-control. Pero ang sarap. Ang sarap sarap.


Nagkalas kami sandali. Hinawakan niya ang mukha ko. Tinitigan niya ako ng malagkit.


Nagngitian kami.


"Tang-ina Rodney, ang guwapo mo," hindi ko napigilang ihirit.


Ngumisi siya, "hindi mo na matiis 'no? Bumigay ka rin!"


Tumawa ako, "oo, at dahil matagal kong pinigil 'to, humanda ka."


"Whatever it is, I'll handle it," tugon niya.




Song na pampagana. =)



Tahimik na titigan.


Tumingin si Rodney sa kanan. Tapos sa kaliwa. Tapos sa akin.


Sinipat ko rin ang paligid. Walang tao.


Bumuntong hininga siya, "gusto mong mahalin kita no holds barred, tama?"


Tumango ako habang ang mga palad niya ay nasa mukha ko pa.


"Can I kiss you?"


"Kanina ko pa 'yan hinihintay."


Unti-unti niyang nilapit sa akin. Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Limang segundo.


Tinaas ko ang braso ko at nilagay ang kamay ko sa likod ng batok niya.


Napamuglat siya nang bigla kong hinatak ang mukha niya papalapit sa akin.


Hinalikan ko siya.


Tang-inang pakiramdam 'yan. Tang-inang sarap. Tang-inang saya. Tang-ina!

The Lightning Train CommutersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon