CHAPTER 2: YOU GIVE LOVE A BAD NAME (Bon Jovi)

392 3 1
                                    

Tapos na mag prime ng instrumento.

"Sige, jam session muna tayo, pampainit ba," sabi ni Sonny nang pumuwesto na ang lahat, "na-miss ko si Jay, eh."

"Haha, bola ka na naman!" turan ko sabay upo sa harap ng keyboard.

"So, ano'ng chord mga tsong?" tanong ni Marko.

"E minor, D, C," sagot ko, "groove tayo."

Pumalo sa clapper si Wendell, "one , two, three"



At sabay-sabay nang tumugtog ang mga members ng bandang, "Lightning Train Commuters."

Mahirap i-define ang uri ng tugtugan namin. Ang dami na kasi naming genre na nasubukan. Rock, groove, variety, R&B, disco, oldies, underground, pati 'ata novelty kapag ni-request ng audience.

Pero sa ngayon alternative rock muna kami. Iyon ang uso, eh.

Nasubukan na rin naming ang sari-saring mga battle of the bands at gigs. Sa bars, sa hotel, sa school at sa kalsada. Sa kabutihang palad ay lagi naman kaming napapalakpakan. Kung mananalo man kami, 'yung pot money gagamitin naming para sa rent ng studio.

At hindi umuuwi ang kahit isa sa amin na walang cellphone number mula sa ilang mga magagandang babae sa audience.



Pero dumating ang graduation at nawalan na ng allowance.

Nag-concentrate ako para sa MedTech board exam ko. Pagkatapos natanggap ako sa isang diagnostic clinic sa Baclaran.

Sina Sonny, Wendell at Marko, mga businessmen, kaya kanila ang oras nila at malaya pang nakakapag banda.

Idagdag mo pa ang pag-alis ng dati naming bokalistang si Charles para mag-Masters sa Canada.

At may isa pang nangyari. Kaya kahit halos buwan-buwan akong ayain nina Sonny ay panay ang alibi ko.

Dalawang taon din kami halos hindi nagkita-kita.



Pero heto, itanggi ko man sa kanila ang kagustuhan ko sa pagbabanda, litaw na litaw naman ang pagka-excited ko at nakabalik ako bilang keyboardist.

Bigay na bigay ako. Papikit-pikit pa habang pinipindot ang mga tiklado.

Kahit ang tagal na naming hindi nagtugtugan ng sabay-sabay, parang tila wala sa aming kinalawang.

Ang ganda ng jam session. Pampasarap lang. Warm up.

Wala munang kanta. Dadamahin muna ng mga miyembro ang mga instrumento nila.



Sinipat ko kung nasaan sa garahe si Rodney, aka Manyakis.

Nakaupo siya sa isang wooden box sa isang gilid.

Nandoon siya. Taimtim na nakikinig. Pumapalo-palo ang mga paa sa beat. Tumatalbog-talbog ang ulo.

Biglang nahalata niya ang pagtitig ko.

Ngumiti siya sa'kin. At nag thumbs up.

Ako naman, tumingin pababa sa mga tiklado.

Hindi ko alam kung ano'ng dapat kong maramdaman. Hindi ako mapakali. Iniisip ko kung ano'ng iniisip niya sa'kin. Iniisip ko kung ano'ng dapat isipin ko sa kanya.

Pero sigurado akong minanyak niya ako kanina.

At natatakot ako na baka isipin niyang nagustuhan ko dahil hindi ako nakaimik agad.

Gusto ko siyang sapakin nang ipinakilala siya sa'kin ni Sonny, pero ano namang sasabihin ko sa banda 'pag ginawa ko 'yun? Eh, kasi minanyak ako nito? Ang lame.

Pero weird, nararamdaman ko pa rin sa batok ko 'yung hininga niyang mainit.

Nangisay ulit ako.

Lalo akong kinabahan nang maisip kong lagi na kaming magkikita ng lalaking ito tuwing ensayo. At sa bawat practice namin ay maalala ko ang pagkalitong nadulot sa akin ng ginawa niya.



"LAST BAR!" sigaw ni Sonny na nagpatigil sa pag-iisip ko.

E minor, D, C. Tapos nag-ending na ang jam session.

"Woooh! Aminin mo, Jay na-miss mo 'to," ani Wendell sa akin.

"'Di nga halata tsong eh," singit ni Marko, "kinain lahat ni Jay lahat ng adlib kanina!"

Ngumisi ako, "pagbigyan niyo na ako. Matagal akong natigang sa pagbabanda."



"Rodney, lika 'na!" tawag ni Sonny.

Tumayo si Rodney at tumungo sa microphone stand. "Mic test."

Umalingawngaw ang baritonong niyang boses sa mic. Iyon ang unang beses kong narinig ang boses niya simula nang makita ko siya sa LRT.

Naramdaman ko na naman ang hininga niya sa batok ko. Sobrang hallucination na ito.

"Nakanang boses 'yan!" biro ni Marko, "boses pa lang ulam na!"

"ROOODDNNNEEEYYYY! I WANNA HAVE YOUR BABIES!" tiling parang babae ni Wendell, "baka agawan mo kami ng mga chicks sa audience, huh! Gwapings ka pa naman."

"Mukhang babaero din 'tong isang 'to," dagdag ni Marko, "parang iisa lang ang dugo nito at ni Jayjay!"

"ADIK!" sigaw ko. Kung alam niyo lang ang dugo ng lalaking 'yan...

Natawa lang si Rodney.

"Rodney, You Give Love a Bad Name tayo," direksyon ni Sonny, sabay tingin sa'kin, "bigay mo first note."



"Huh?" wala pala ako sa huwisyo, "sige."

Pinindot ko ang sol.

Nag-thumbs-up sa'kin si Rodney.

Hindi na naman ako makatingin ng diretso.

Nagbilang si Wendell. Acapella muna ng bokalista.



"Shot to the heart and you're to blame..."

Shit, namang boses 'yan. Mayro'n pala sa Pilipinas na kaboses si Chris Daughtry.

"Darling you give love a bad name..."



Pasok ang banda. Kaso sablay. Tumigil.

"JAY! MALI CHORDS MO!" saway ni Sonny, "C minor!"

Napakamot ako ng ulo, "sorry, hayan na 'yung kalawang."

Napatingin ako kay Rodney. Nakangisi siya.



Biglang may nag-ring na cellphone.

Bumunot si Rodney sa bulsa niya, tinatapat ang cellphone sa tainga niya, "Hello. Oh, sige sunduin kita. Wait."

Humarap siya sa'min, "one minute lang mga 'tol." Tapos lumabas siya ng garahe.

"Lagot!" bulalas ni Marko.



"Ano, Jay? Regular na ba practice natin? Sige na..." offer ni Sonny, "5pm ang labas mo sa work 'di ba? M-W-F lang, 6pm ang start. Mga hanggang 8pm gano'n. Hanggang sa makaipon tayo ng cover at mga compo. Ikaw lang naman ang inaasahan naming magsulat ng kanta."

"Pag-isipan ko muna, huh," depensa ko.

"Saka ka na kasi mambabae, eh!" ani Wendell, "ang libog nakakasira sa banda."

Tawanan kami.



Natigil ang usapan naming nang may pumasok sa garahe

Si Rodney nagbalik, at may kasamang magandang babae.

"Mga 'tol, girlfriend ko pala, si Apple," pakilala nito, "nood daw siya ng practice."

Si Sonny, Marko at Wendell nakangisi.

Ako, ewan ko kung ano'ng hitsura ko.

Shocked at confused.

Hayan na naman ang hallucination kong hininga sa batok ko. Pero ngayon hindi na kuryente ang nadadama ko. Mas namayani ang pandidiri.



"You give love a bad name..." pabulong kong sinabi sa sarili ko.

The Lightning Train CommutersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon