CHAPTER 46: GROW OLD WITH YOU (Adam Sandler)

129 2 0
                                    



"Habambuhay," sambit ni Rodney.


Nangatog ako bigla sa narinig ko.


Magkatabi kami sa kama. Kapwa nakahubad pa rin at balot ng kumot. Marahang magkayakap sa isa't-isa. Pinagsasaluhan ang romantic aftershock n gaming pagtatalik.


"Gusto kita makasama habambuhay," dagdag niya.


"Rodney..." lang ang nasabi ko.


At naglitanya na siya tungkol sa aming hinaharap.




"Pagkatapos ng gabing 'to, gigising tayo, magbe-breakfast tayo, uuwi ng Manila, at ipagpapatuloy ang pagiging mag-partner. Basta ang usapan Jayjay, huh... Kapag pupunta tayo ng practice, maghihintayan tayo sa Pedro Gil station para sabay tayo lagi..."

Tumawa ako, "okay..."


"Ipapaalam ba natin sa banda?" tanong niya.


Umiling ako, "huwag Rodney... Natatakot ako. Baka hindi nila maintindihan."


Nagkibig-balikat siya, "walang kaso. Magaling naman ako magtago. Pero karapatan nilang malaman. Kailangan nilang malaman. Para matulungan din nila tayong maitago ang relasyon natin."


Hindi na ako sumagot.




"Kapag sumikat na tayo, asahan mong madaming babaeng fans ang magkukumahog sa atin," mayabang na sabi ni Rodney.


"Gago. Ang presko mo. Mas marami pa ring pupunta sa akin, 'no!" protesta ko.


"Wala akong pakialam sa libolibong babaeng pipila sa akin, basta sa dulo ng lahat..." tumuro siya sa akin, "ito ang makakasama ko pag-uwi ko sa gabi."


Bumuntong-hininga lang ako.




"Kapag yumaman na tayo, bibili tayo ng condo unit, tapos doon na tayo titirang dalawa at mamumuhay na parang mag-asawa..."


"Gusto ko rin 'yon... Ano kayang feeling no'n?"


"Hindi ko rin alam, eh. Mahirap siguro. Kasi mamumuhay na tayong independent, pero masaya. Kakayanin ko, kasi mabubuhay na tayong magkasama."


"Ano kaya'ng division of labor?"


"Ako ang magluluto. Wala akong balak purgahin ang mga sikmura natin ng sardinas araw-araw."


Natawa ako, "oh, siya. Tagahugas na lang ako ng pinggan, saka tigalaba. Ikaw ang magpaplantsa."

The Lightning Train CommutersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon