CHAPTER 40: EVERYTHING YOU WANT (Vertical Horizon)

155 1 0
                                    

"He's everything you want... He's everything you need... He's everything inside of you that you wish you could be... He says all the right things... At exactly the right time... But he means nothing to you and you don't know why..."


Nag-eensayo kami ng banda. Magaling na si Rodney. Bumalik na naman ang boses at sigla niya.


Nakaharap siya sa aming nagpapatugtog ng instrumento habang kumakanta.


Sa gitna ng aking pagtipa, napansin kong nakatitig siya sa akin habang umaawit.


Oo na, Rodney... Alam ko na kung bakit mo nirekomenda ang kantang 'to na i-cover natin. Gusto mo na naman akong patamaan.


Nilalayo ko ang tingin ko sa kanya. Kasi alam kong pag nagtama na naman ang mata namin, matagal na naman bago ako makabitaw.


Ang lyrics ng kanta, sapul na sapul sa akin. Lalo na nang inulit niya sa huling beses ang chorus na napalitan na ang mga panghalip sa kanta.


"I'm everything you want... I'm everything you need... I'm everything inside of you that you wish you could be... I say all the right things... At exactly the right time... But I mean nothing to you and I don't know why..."




——————————————————————————————————————————————




"Para sa'yo."


Tinanggap ni Rodney ang isang pakete ng Goya ng Knick Knacks na binili ko sa grocery kanina bago tumungo ng ensayo.


"Salamat. Para saan 'to?"


"Wala lang. Naisip lang kitang bigyan."


"Bakit?"


"Trip lang kitang bigyan."


"Tayo na ba?"


"Inom ka ng maraming tubig pagkatapos mong kainin 'yan, para 'di masira ang boses mo."


Tumuloy lang kaming maglakad papuntang LRT.




——————————————————————————————————————————————




>>> DOROTEO JOSE


"Pinapawisan ka Rodney. Sa susunod mag bimpo ka sa likod para hindi ka nagkakasakit at hindi masira ang boses mo," sabi ko habang hinahawakan ang likod niya. "Amina panyo mo."

The Lightning Train CommutersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon