CHAPTER 6: I'M A SLAVE FOR 4U (Britney Spears)

257 1 2
                                    

"I wanna push you around, well i will, well i will

I wanna push you down, well i will, well i will

I wanna take you for granted, i wanna take you for granted

Yeah, well I will..."

Anim na beses na naming inuulit ang kanta ni Rodney. Ako sa tiklado, siya sa voice box.

Tumigil ako ulit, "Rodney... Bitin talaga 'yung iba mong tono."

Napabuntong hininga siya. Mukhang disappointed pero tila wala namang balak mag-reklamo. "Okay, ulit ulit?"

Parang ako naaawa na rin sa kanya. Pursigido naman. Saka maayos naman kumanta, ilang nota lang naman ang sumasablay. Hindi na mahahalata ng common audience.

Pero talagang metikuloso manitik ang tainga ko pagdating sa boses. Siguro na rin sa karanasan ko sa choir noon, natutunan ko na lagi dapat may tonal proficiency kapag umaawit.

Inulit namin ang kanta, pero lagi akong napapatagil sa chorus part.

Mag-iisang oras na kaming ganoon.

"Ganito, gayahin mo ko..." payo ko sa kanya, "I wanna push you down, well I will..."

Sumunod naman siya, "well I will..."

"Well I......" may emphasis sa salitang I. Doon siya nafa-flat.

"Well, I will, well I will..."

"Kantahin mo 'yan hanggang sa makauwi ka," mariin kong sabi.

Tumawa siya. Akala niya siguro nagbibiro ako.

"Hoy, seryoso ako," saway ko sa kanya, "kung kailangan mong pasakan ang tenga mo ng headphones at pakinggan ang Matchbox 20 hanggang sa makatulog ka mamaya, gawin mo."

"Sungit mo naman Coach Jayjay," tampong-batang turan ni Rodney.

"Isipin mo kapag mataas ang tono. Paghandaan mo. Baon ka ng hininga. Turuan mo ang sarili mo na pakinggan mo ang boses mo habang kumakanta kasi kapag nasa concert hall tayo, at pangit ang acoustics hindi mo alam, sumasablay ka na," paliwanag ko.

Kumatok ang lalaking may-ari ng lugar. "Time na."

Tumango ako, "okay po."

Pagkatapos ay naghati na kami ng bayad at inabot sa may-ari.

"So far, dalawang kanta pa lang ang nasa ipon natin," sabi ko habang nag-aayos na kami ng mga gamit, "you give love a bad name at push. Paano pala 'yan kapag original na kompo na ang ipakakanta ko sa'yo, eh di lalo akong namroblema sa'yo?"

"Hirap mo pala talagang maging coach, pero ang dami kong natutunan," nakangiti niyang sambit, "Sana pagtiisan mo ako."

"Okey 'yan," simple kong sagot.

Pagkatapos noon ay wala na akong sinabi. Tinuloy ko na lang ang pag-ayos ng keyboard at mga mic na inarkila namin. Siya naman nag-aayos ng bag niya.

"Knock knock."

Napatingin ako sa kanya. Saka na-realize kung ano ang gusto niyang mangyari, "who's there?"

"Majinbu."

Naaalala ko pa lang ang hitsura ni Majinbu na kalaban ni Gokou at kahawig ni Patrick the Starfish ay napapahagikhik na ako. "Hehe, Majinbu, who?"

Kumanta siya. Papitik-pitik pa, "Girl, I was there... And you were my baby... It started when we were younger you were Ma... Jinboo..."

Napahalakhak ako sa kakornihan.

"There. Finally. I saw you smile again," ani Rodney.

Napatigil ako't tumingin sa kanya. Nakangiti siya sa akin

The Lightning Train CommutersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon