CHAPTER 8: THE LONG AND WINDING ROAD (The Beatles)

240 1 0
                                    

>>>CENTRAL TERMINAL

Kinabukasan, 6:30pm.

Kanina pa ako nag-e-air-piano-playing. Nakasuot ang headphones ko at mahigit bente singko na kanta na ang napakikinggan ko simula nang umalis ang tren na ito mula Carriedo.

Nagloloko ang LRT system sa isang kadahilanang hindi alam naming mga pasahero. Late na ako nakadating sa trabaho kaninang umaga. At ngayong pauwi na ako, mahigit isang oras na ako bumabiyahe at nasa kalagitnaan pa lang ako ng kabuuang line. Panakanakang humihimmpil sa gitna ng istasyon ang train, at kung titigil naman sa station ay maghihintay ng lima hanggang sampung minuto para lang muling magsara ang pintuan at gumalaw.

Pero ngayon sa central terminal, nananatiling nakatigil ang train. Nakabukas ang pinto. Mahigit sampung minuto na kami sa istasyong iyon.

"Sa aming mga minamahal na pasahero, ang LRT line 1 ay kasalukuyang nakakaranas ng problemang teknikal na kasalukuyang inaayos upang makapagpatuloy kayo sa inyong paglalakbay. Maraming salamat pos a inyong pag-unawa," sabi ng announcer sa station.

May ibang mga nababato na at isa-isang lumalabas na ng train.

Ako naman, kahit sobrang naiirita na sa bagal, ay pinili na lang na manatili sa loob. Kapag sumakay ako ng jeep hanggang Monumento, matrapik rin at ganoong oras din ako makarating. At least dito sa LRT, may air-con pa. May one-hundred twenty six pa namang kanta ang natitira sa i-phone ko.

Biglang nag-fade ang tunog ng kantang pinakikinggan ko... "The long and winding road... That leads..." Ibig sabihin may tumatawag. Hindi ko na tiningnan kung sino tumatawag basta sinagot ko na lang ang headset ng phone ko.



"Hello?"

"Jayjay, asan ka?"

Hindi ko masyado makilala ang boses. Pero alam kong galing sa lalaki. Baritono.

"Huh? Sino 'to?"

"Rodney, 'to."

Sa isang iglap bumugso na naman ang mga ideya sa diwa ko. Pumikit ako upang iwaksi ang mga iyon. Huminga ng malalim at kumalma.

"Ah. Nasa LRT ako. Stuck sa Central Terminal, bakit?" irritable ang tonong lumabas sa aking bibig.

"Oo nga, sira LRT ngayon, sobra. Kaya nga nagdala ako ng kotse. Naalala lang kita bigla."

"Bakit?"

"Eh, hayun nga. Naisip ko lagi kang nag-e-LRT."

"Tapos?"

"Nasa kotse ako ngayon. Kakalagpas ko lang ng UN Avenue. Sunduin na kita gusto mo? Makakababa ka naman diyan siguro? Sabay ka na sa'kin. On the way naman ako."

"Huh? Huwag na Rodney. Nakakahiya," pagtanggi ko.

"Sus, ano ka ba? Bakit ka pa mahihiya? Eh, 'di ba magkabanda tayo? Wala namang talo sa'kin kasi pareho naman tayo ng dinadaanan."

"Eh kasi..." naghahanap ako ng alibi. Pero wala ako maisip. Ang tanging pumipigil sa akin ay ang fact na may motibo siya sa akin, na medyo malabo pa. Pero ayos naman ang offer niya. Masmapapabilis pa nga ang biyahe ko.

Nangako naman na siyang wala siyang gagawing masama. Kung meron, sasapakin ko siya tapos ka-carnap-in ko sasakyan niya.



"Tulong na nga, eh. Sige kung ayaw mo w---"

Natigil siya nang bumuntong hininga ko, "sige na sige na... Paano tayo magkikita?"

"Pick-up-in kita sa may waiting shed sa harap ng Manila City Hall. Toyota Corolla. Black. Okay?"

"Okay."

"Kitakits, Jay."

Call Ended. "...to your door... will never disappear... I've seen that road before..."

"Sa aming mga minamahal na pasahero, ang LRT line 1 ay kasalukuyang nakakaranas ng problemang teknikal..."

Nang marinig ko ang pag-uulit ng public apology ng LRT management ay lalong tumibay ang desisyon kong bumaba na mula sa tren at istasyong iyon.



Hindi nagtagal ay natagpuan ko ang sarili ko na naglalakad sa park sa gilid ng City Hall ng Maynila.

Sa gitna ng pagtutungo ko sa waiting shed, bigla akong may narinig na ugong sa taas. Napalingon ako at napatingala. Gumalaw na ang tren na sinakyan ko kanina!

Kung minamalas ka naman talaga oo.

Si Rodney na lang talaga ang pag-asa ko ngayon.



----------------------------------------------------------------------



Wala pang limang minuto ako naghintay nang humimpil sa harapan ng waiting shed ang isang itim na kotse. Halatang hindi ito bago dahil sa ilang gasgas at medyo marungis nitong hitsura.

Bumaba ang front passenger side window. Sumilip ako. Mula doon ay nakita ko si Rodney na nakaupo sa driver's seat at nakahawak sa manibela. Kumaway siya sa akin.

Pumasok ako sa loob at umupo sa front passenger seat.

Weird ang pakiramdam na nasa kotse ako ni Rodney. Hanggang ngayon kasi medyo ilang pa ako sa kanya.

"Kumusta Coach? Mukhang pagod, huh?" nakingiting bati niya pagkaupo ko

"Huh? Oo nga eh. Badtrip talaga 'tong LRT na 'to kahit kailan."

"Napanood ko na kanina sa TV na sira 'yan. Kaya hiniram ko 'tong kotse ng kuya ko papasok. Habang pauwi ako kanina, naisip kita. Baka gusto mo sanang sumabay nang makaiwas sa gulo."

Pinaandar na ni Rodney ang kotse.

"Ah, hehe. Salamat. Saan ka ba nagta-trabaho?"

"Sa may Pedro Gil. Ikaw sa may Baclaran ka 'di ba?"

Tumango lang ako.

"Isipin mo ang tagal na pala natin na iisa lang ang biyahe, ngayon lang kita nakita," sabi niya sa'kin. Napansin kong mas lumawak ang ngiti niya.

Isang pilit na tawa nilabas ko. "Oo nga."

Binuksan ni Rodney ang radio ng kotse, "soundtrip tayo. Beatles."

"Hey Jude... Don't make it bad... Take a sad song... And make it better..."



Mula sa puntong iyon hanggang sa malagpasan namin ang tulay sa ibabaw ng Pasig river ay nanatili akong walang imik at nakatingin lang sa kalsada. Buti na lang may pinatutugtog para may excuse ako para hindi magsalita.

Narinig ko siya tumawa bigla.

"Hayan ka na naman sa pagpipiano mo sa ere."

Napatingin ako sa kanya, tapos sa kamay ko. Oo nga. Wala na naman sa malay ko ang air-piano-playing ko. "Ah, nasanay lang."

Umiling siya, "walang problema. Nakakatuwa nga eh."

Tahimik na naman ako. Nag-air-piano-playing ulit.



"Knock knock," pagbasag niya sa katahimikan.

Nangiti ako. Joke time na naman. "Who's there?"

"Cashew Nut."

"Pati ba naman mani dinadamay mo sa jokes mo?" pabiro kong sabi, "cashew nut, who?"

"Don't tell me you're sorry cashew nut... When I only know you're only sorry you got caught... But you put on quite a show..."

Napahalakhak na naman ako. Ang babaw ko talaga.



"Buti naman nag-lighten-up ka na. Ang tahimik mo kasi. Tsaka halatang ilang ka."

"Hindi naman, sobrang pagod lang," alibi ko, na totoo naman, "pasensya na."

"Naisip ko, sa lahat ng members ng Lightning, ikaw lang kasi 'yung di ko pa masyado kilala... Nakasama ko na kasi sa inuman 'yung tatlo nung mga araw na hindi ka sumasama sa practice..."

"Makikilala mo rin ako, siguro sa next inuman sasama ako."

"Magkasama na tayo ngayon, eh 'di mag-getting-to-know-each-other session na tayo."

"Okey lang, sige," nag-aalangang tugon ko.



"Para mas exciting ganito gawin natin," tila excited na bulalas ni Rodney, "bawat LRT station na dadaanan, meron tayo dapat na different topic na pag-uusapan."

Nagtataka akong napatingin sa kanya, "kailangan pa ba 'yon?"

"Para masaya," sabay tawa.

Tumuro siya sa harap, "hayan na 'yung Carriedo, oh. Pero ang rule dito dapat ang lahat ng ise-share mo eh pawang katotohanan lang. Dapat honest ang mga sagot mo."

Naglabas ako ng pilit na tawa, "bahala na. Hay naku, Rodney ang dami mong pakulo."

The Lightning Train CommutersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon