CHAPTER 1: BUMP AND GRIND (R. Kelly)

854 6 5
                                    

>>> UN AVENUE

Nag-ring ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Si Sonny na naman.

"Hello! Oh, bakit na naman?" iritang panimula ko.

"Hoy, Jayjay! Sige na sama ka na sa banda!" pakiusap nito.

"Sonny... 'Ala nga akong oras diyan!"

"Sige na... 'Nung college tayo---"

"Kasi binibigyan pa ko ng nanay ko ng pang-rent ng studio... Tsaka may mga trabaho na tayo...!"

"Sabi sa'kin nung nirerentahan natin kapag palagi tayong may practice sa kanya, may discount!"

"'Di naman na tayo sisikat niyan, eh. Ang dami nang nagsusulputan diyan!"

"Sus, masmagaling naman tayo. Lalo ka na na keyboardista namin."

"Loko!" sigaw ko sa kanya, "nambola pa."

"Ayaw mo talaga?"

Hindi ako nakasagot agad. Mahirap sagutin ang tanong kung kaya ko na muling bigyan ng pagkakataon ang pagbabanda. Halos dalawang taon na rin.

Biglang may naramdaman akong bumuga sa batok ko. Nangatog ako at lumingon.

Lalaki. Nasa likod ko. Nakasabit sa railings ang kamay niya, at nasa tabi ng ulo ko ang braso niya.

"Jay!" sigaw ni Sonny mula sa kabilang linya.

"Ano?!" sagot ko. Saglit na kinalimutan ang lalaki sa likod ko.

"Bilis na! Naman 'to. Akala ko ba walang laglagan sa banda?"

"Naku naman," exasperated kong sabi, "estudyante pa tayo no'n pare. May gatas pa sa labi."

"ULOL! Gatas, gatas ka diyan, eh ikaw ang numero unong babaero 'nung college!"

"Hahaha, sira, ikaw kaya!"

>>> CENTRAL TERMINAL

Natigil ang tawa ko nang biglang bumundol ang hita ng lalaki sa likod ko.

At naramdaman ko sa puwetan ko ang matigas na nasa gitna ng mga ito.

Padaskol akong lumingon.

Nakatulala ang lalaki pataas. Patay malisya.

Naisip ko. Baka taglibog lang si manong. At 'di niya sinasadyang mabundol ako.

"Jay naman! Madaming chicks na naghihintay sa pagbabalik ng banda natin!"

"Sumbong kita sa syota mo. Si Kate ba 'yun?"

"Wala na kami no'n."

"Basta kung sino'ng kinakama mo ngayon!" sagot ko, "saka, battle of the bands lang naman 'yung tinutugtugan natin dati! Wala naman kita sa gano'n!"

Bumundol ulit 'yung matigas sa puwetan ko.

Lumingon ako ulit.

Naku naman. Nakatingin na sa'kin 'yung lalaki. Nakangisi pa si gago.

Bading ba 'to? Naisip ko.

Pero mukhang lalaki naman. Astigin at guwapings. Tangkad pa at matipuno.

Pero kung manyak 'to, kelangan ko nang gumalaw. Pero pa'no? Eh, siksikan na naman sa LRT.

"Kaya nga ngayon mag-mainstream na tayo!" sagot ni Sonny, with conviction, "may nakilala akong number ng agent sa EMI. Tawagan ko daw siya 'pag may demo tape na tayo!"

"Wala ka bang balak trabahuhin 'yung natapos mo 'nung college?" sarkastikong tanong ko.

"Alin? HRM? Magse-serve ng pagkain sa mayayaman? 'Wag na 'oy. Pero 'di magtatagal aayain tayo sa hotel para tumugto sa kanila."

>>>CARRIEDO

Bumundol na naman si lalaki. At ngayon, dinikit niya na sa hita ko.

Ayoko nang lumingon. Gusto kong gumalaw. Palayo.

Ang daming tao. Ang sikip.

Pero nahahawa na yata ako sa kamanyakan nitong mokong na 'to.

Tinatablan na ko... NAKANAM!

"HOY JAY!" sigaw ni Sonny. Natahimik pala ako nang matagal.

"Oh eh... Pano tayo tutugtog, eh nag-migrate na si Charles sa Canada 'di ba?"

"Nakahanap na ko ng bagong bokalista! Dadating siya mamaya dito!"

"Asan ka ba?"

"Dito sa dati nating studio sa Recto. Punta ka na kasi!"

Tumitigas lalo 'yung nakadikit sa hita ko.

Sinasabayan pa ng bumubugang mainit na hininga sa batok ko.

Nangingisay ang katawan ko. Ewan ko kung sa pandidiri o ...?

Hindi 'to tama.

Malapit na sa susunod na stasyon.

Gumalaw ako. Halos bayuhin ko ang mga katabi ko. Senyales na bababa na ako.

Sa Monumento pa talaga ako dapat.

Pero dahil sa asungot na manyak sa likod ko dito na ako bababa.

"Sige na, sige na," pagsuko ko, "bababa na 'ko dito sa Doroteo Jose."

"AYOS! Sige kitakits Jay!" Call ended.

>>> DOROTEO JOSE

Pahirapang lumabas sa masukal na train coach na iyon.

Naglakad ako paalis na hindi na nililingon ang manyakis.

Pero ingat akong tumama ang crotch ko kung saan o kanino, kasi ano...

Pagkalabas ko ay naglakad na ako patungo sa turnstiles.

May humagip sa balikat ko.

Si manyak. Humahangos mauna papunta sa mga turnstile

Hinihintay ko kung lilingon siya.

Pero hindi na siya tumingin.

-------------------------------------------------------------

"Nandito na 'ko sa gate, pabuksan," ang una kong sinabi pagkasagot ni Sonny sa tawag ko.

"Okey, andiyan na," sagot nito. Call ended.

Binuksan ni Sonny ang gate. Pumasok ako patungo sa bahay na nandoon. Sa garahe ng bahay na iyon may "BAND STUDIO FOR RENT" sign. Sa loob ng garahe naroon ang drums, mga electric guitar, baho at mga mic at amplifiers. Naka-set-up na rin ang keyboard na gagamitin ko.

Nandoon na rin sina Marko, ang bahista, Wendell, ang tambolista, Sonny, ang gitarista at ako, ang tiklador.

At may isa pang lalaking naroon na kausap si Marko at Wendell sa loob ng garahe.

Pagpasok namin sa loob ni Sonny, tinitigan ko ang lalaki. At nakilala ko ito.

Hindi. Kakakilala ko lang sa kanya kanina dahil sa hindi magandang kadahilan.

"Jay, heto na 'yung sinasabi kong bago nating bokalista," sabi ni Sonny habang nakaturo kay manyak, "si Rodney."

seo seo seo seo seo seo

The Lightning Train CommutersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon