CHAPTER 55: THOUSAND MILES (Vanessa Carlton)

157 0 0
                                    



"Making my way downtown, walking fast, faces past and I'm home bound... Staring blankly ahead, just making my way, making my way, through the crowd..."


Sa loob ng walong oras kong naglalakbay sa bus pabalik ng Maynila, iyan lang ang kantang pinaulit-ulit ko sa ngayong original ko nang iPhone.


Buong walong oras, dilat na dilat ako.


Nasa Camachile na ako. Hapon na no'n.


"'Cause you know I'd walk a thousand miles, if I could just see you... Tonight..."




Pagkabasang-pagkabasa ko ng sulat ni Rodney, agad akong nag-impake ng damit. Tumawag ako sa ospital at nag-file ng vacation leave. Wala namang aangal dahil ako ang head ng MedTech department na nagse-shecule ng rotation ng mga MedTech sa ospital.


Nagpa-schedule ako ng bus to Manila. Ang available trip ay eight o'clock AM ng araw na ito.


Wala na akong pakialam kung mawala na sa akin ang posisyon ko sa ospital.


Wala na akong pakialam kung mabalewala ang application ko sa Dubai.


Walang ibang laman ang isip ko kundi bumalik sa Maynila.


Para makita si Rodney.


Sana heto na ang tamang oras.




——————————————————————————————————————————————




>>> 5TH AVENUE


Kumatok ako sa pintuan ng dela Torre residence.


Sa totoo lang, hindi ko talaga alam ang balak kong gawin. Wala akong plano.


Ano'ng gagawin ko kapag nakita ko si Rodney?


Bahala na.




Hindi nagtagal bumukas na ang pinto.


Tumambad sa harap ko si Mrs. Dela Torre.


"Tita..." lang ang nakayanan kong sabihin.


Matagal niya akong tinitigan at ang luggage na nasa tabi ng paanan ko bago niya siya nagsalita, "Jayjay! Kumusta ka na? Tagal mo nang nawala!"

The Lightning Train CommutersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon