Chapter 4 (WELCOME TO MY WORLD BITCH)

202 14 0
                                    

Natanaw ko si camille mula sa kinauupuan ko kaya kumaway ako para makita nya kung nasaan ako. "camille dito!"

Nakita nya ko at naglakad papalapit sakin. "kailangan talaga sumigaw?" walang ganang sabe nya.

"Ang highblood ni camel! gusto nya ng wateeeeeeeeeer!" Pang asar ko sakanya.

"Aish! tigilan mo ko." naiiritang sabe nya at umupo sa harap ko.

"ang seryoso mo kasi eh."

"Ikaw kasi eh ang kulit mo. Para kang bata."

"Baby face kasi ako." Nagpacute ako sa harap nya.

"Nakakadiri ka." tinarayan ba naman ako?!

"whateveeer!" Tinarayan ko din sya, "Nga pala, wala kayong date ni skyler"

Nagbago ung itsura ni camille at parang nalungkot. "B-busy daw sya eh."

Nainis ako sa narinig ko, "Ano?! Busy? Gaano kahalaga yang ginagawa nya para ipagpalit ka? Alam mo kung mahal ka nya isisingit at isisingit ka nyang sa schedule nya kahit na anung mangyare! Kung mahal ka nya maghahanap sya ng paraan! Meron naman talagang time eh! Tamad lang yan mag effort! Ganyan yang mga lalake! Pag gusto may paraan! Pag wala ANDAMING DAHILAN!" Galit kong sabe at feeling ko mananapak na ko.

Nagulat si camille sa reaksyon ko. Oppss ba OA masyado hehehe

"hugot?" natatawang sabe nya.

"Pssh hindi naman, kung priority ka kasi nya ikaw ang inuuna nya. Maliban nalang kung hindi." naiinis ako buseet!

"whoa? chill." kalmadong sabe ni camille.

"Nagaalala lang ako sayo bilang bestfriend. Basta andito lang ako sayo kahit na maganda ako maasahan moko." seryoso kong sabe

Natawa naman si camille, "siningit talagang maganda ka? hahaha. Oo na thanks!" ngumiti sya at kumain na kami.

***
BAHAY

Dahil mabait ako ay pagtapos ko kumain ay umuwi na ko. Ayoko na pumasok nakakatamad eh, pero si camille dumiretso sa room dahil mabait yon eh.

Nagbabasa ako ng magazine ng biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Pasok!" sigaw ko.

"Anak bat ang aga mo?" nagtatakang tanong ni nanay.

"Sorry nanay hindi pa po tapos ung klase ko pero umuwi na po ako eh." nakayukong sabe ko. Sobrang bait kasi ni nanay at ni minsan hindi ako nagsisinungaling sakanya.

"Ikaw talaga anak, pumasok ka may dalawang subject ka pa naman eh." nginitian ako ni nanay at kiniss sa noo.
Si nanay lang talaga ang may kayang utusan ako ng walang halong pagrereklamo. Kaya naman pumasok ako kahit dalawang subject nalang.

Pagpasok ko ay walang teacher at nakita ko si camille na nakayuko.

"Hi cams!" bati ko at tumabi sakanya.

Inangat nya ang ulo nya at napansin kong may mga sugat sya sa mukha, may pasa sa kamay at braso at medyo magulo ung buhok at parang kakagaling lang sa iyak.

"Camille anung nangyare sayo?!" Galit kong sabe. Mapapatay ko gumawa neto kay camille! Punyeta!

"W-wala n-na-nadapa ako kanina." Yumuko sya pagkatapos nyang sabihin yun. Hindi ako naniniwala! Imposible! Bat ako pag nadadapa hindi naman ganyan ka OA ung sugat ko? Takte? San sya nadapa? Sa bangin? Tsk! Hinayaan ko nalang sya para makapag pahinga sya.

Binantayan ko lang sya hanggang mag uwian na ng kausapin nya ko.

"Uhm lucy mauna kana uwi may tatapusin pa kasi ako." nagiwas sya ng tingin. Nauna na kong lumabas pero hindi ako umuwi. Hindi ako tanga noh! Hindi ko pababayaan si camille. Kung sino mang may gawa kay camille neto HUMANDA NA SYA. Inantay ko si camille sa labas ng room ng may grupo ng mga babae ang nagsidatingan apat sila puro senior. Tumigil sila sa tapat ng room at tinignan si camille. PUNYETA PIKARAMDAM KO ITO UNG MGA BUMUGBOG KAY CAMILLE. NANGGIGIGIL NA KO, pero nagtiis ako konting galaw kay camille sisirain ko buhay nyo!

"Oh look? Dito pala ung room ni camille?" Kunwari ay nagulat yung lecheng babaeng parang leader leaderan nila.

"Ayan ung mae ann concepcion?" narinig kong bulungan ng mga babae sa gilid ko.

"Camille, kamusta? Masakit ba?" nakangiting sabe nung mae ann at nag tawanan ung mga kasama nya habang si camille paiyak na, Nilapitan ko na sila.

"Anung meron?" taas kilay kong sabe

"Who are you?" maarteng sabe nung mae ann

"Ako? Bestfriend ni camille." Matapang kong sabe

"Really? Bestfriend? Eh bat parang wala kang alam sa nangyayare sa bestfriend mo?" sabe nya at turo kay camille.

"Alam ko ang lahat tungkol sakanya." Madiin kong sabe, kating kati na ung palad ko sampalin sya uggh konting tiis. Ubusin mo ung pasensya ko please?

"Talaga?! Well, alam mo bang binugbog ko sya? Sinampal, sinabunutan at pinahalik sa sahig. Alam mo ba yun? At hinalikan ko ung boyfriend nya, oh! Correction EXboyfriend. Hinalikan ko sa harap nya. Alam mo ba yun? Para tawaging bestfriend yang sarili mo? Naipagtanggol mo ba sya?!" pasigaw na sabe nya.

Medyo marami ng tao sa paligid namin pati ung mga clasamates ko at sila maja. Nice! Buti andito sila para maraming makakita kung paano ko ipahiya ang LECHENG TOH!

"Salamat." yun lang ang sinabe ko at nginitian sya.

"Salamat sa pag sabe ko sayo ng mga yun? Wala yon!"

"No. I mean salamat sa pagsagad ng pasensya ko." nginitian ko sya na.

Nagbulungan ung mga classmates ko. Alam nilang masama ako magalit, pati si camille ay nagulat at napahawak sa braso ko. HUMANDA KA SAKEN.

"oh? Welcome." ngiting sabe nya.

"Sinira mo ang relasyon ng bestfriend ko at boyfriend nya. Kaya sisirain ko din yang buhay mo." seryoso kong sabe

"Talaga dapat ba ko---" hindi ko na sya sya pinatapos pang mag salita.

PAKK!

isang malutong na sampal.
"Para sa pagbugbog mo kay camille."
Hindi pa sya nakakarecover sa sampal ko ng ...

PAAAK!

"Para sa kalandian mong hindi mo matago kaya ngayon ay umiiyak ang kaibigan ko!"

PAAAK!!

"para sa pagubos mo ng pasensya ko."

PAAK!

nginitian ko lang sya.

"What the hell was that for?" medyo naiiyak na sabe nya.

"WELCOME TO MY WORLD BITCH!" pasigaw kong sabe.

"Ang laka---" hindi ko sya binigyan ng pagasang magsalita.

"I'll make sure that as long as you're in this school, your life will be HELL!" madiin na sabe ko at hinawakan ang kamay ni camille.

Pagkadaan ko sakanya ay binangga ko sya, sapat na bangga para mapaupo sya.

Nadaan ko si maja at tumigil sa harap nya.

"Sorry for being bad maja, from now on we are friends." bakas sa mukha nya ang pagkagulat kaya nginitian ko nalang sya at naglakad na paalis kasama si camille.

MEDYO BADGIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon