Chapter 33

41 1 1
                                    

"Carol" sinalubong agad ni nanay ang mama ni thomas pagkakita nya sa airport.

"Nako grabe! Alam nyo bang kanina pa akong madaling araw dito sa sobrang excited! Nagpahanda pa ako sa bahay pang welcome sainyo!" Tuwang tuwa si tita carol. Sobrang bait nya kahit hindi kami magkadugo. Pamilya na din ang turing namin sakanya.

"Nako salamat carol andami mo nang naitulong samin hayaan mo babawi ako mag bobonding tayo ng bongga." Masayang tugon ni nanay at sumakay na kami sa Van na dala ni tita carol

"I miss everything." biglang bulong ni ate sa tabi ko kaya napalingon ako sakanya.

Bakas ang lungkot at sakit sa kanyang mga mata. Naawa talaga ako kay ate nung unang taon namin sa new york kasi kung ako umiiyak lang sya halos nakatulala na di na kumakain daig pa nya ung may sakit sa sobrang depress nya.

Hinawakan ko ung kamay nya para ma assure sakanyang magiging okay ang lahat. Tumingin sya sakin at tipid na ngumiti.

"Manang! Pakihatid sila sa kanya kanya nilang kwarto." Pagkababang pagkababa namin ay pumunta muna kami sa kanya kanya naming kwarto para mag ayos at makakain na.

Katulad ng bahay namin ang bahay ni tita carol may tatlong palapag at makawak na lugar.
Namiss ko tuloy ung bahay namin noon. Dito kami titira kasama si tita carol at naghati sila ni nanay sa pagbili ng bahay na ito noon. Bumaba na ako pagkatapos magbihis

Tinignan ko silang lahat na masayang masaya kumain sa kusina at umupo na ako sa tabi ni ate

"Si thomas tita?" Napansin kong wala si thomas at tahimik yun mula pa kanina.

"Pagod ata matutulog daw muna sya." Tumango nalang ako. Sa loob ng limang taon ay kilalang kilala ko na yun si thomas at alam kong may problema yun kaya binilisan ko ang pagkain at dadalhan ko nalang sya sa kwarto ng pagkain para na rin makausap ko sya.

"Tita dadalhan ko nalang si thomas ng pagkain sa kwarto." Tumayo ako at kumuha na ng pagkain at ilapag ito sa tray.

"Naku ang sweet nyo talaga bagay na bagay kayo." Naaaliw na tugon ni tita. Lagi nya kaming nirereto ni thomas na bagay kami at ano na ba ang status namin. Tinatawanan lang namin ni thomas dahil bestfriend lang talaga kami magkapatid ang turingan namin.

Pumasok na ako sa kwarto nya at  nagulat ng walang tao sa kama. Nasan sya? Nakabukas ang veranda nya at naaninag ko ang anino. Ano naman kaya ang drama neto.

Pumunta ako doon at nadatnan syang tulala.

"Hey whats wrong?" Diretso kong tanong

Lumingon sya sakin at tipid na ngumiti. "Wala lang nakakapanibago lang dito."

"Iniisip mo sya." Prangkang sabe ko. Oo kaya malabo ung saamin ni thomas dahil meron syang mahal dito sa pilipinas dahil nakauwi na sya dito dati hindi pa kami magkakilala.

Natawa sya at umiling iling. "Ang hirap mag sikreto sayo. Gusto ko lang syang makita kung okay na sya."

"You really love her. Dont worry we will find her, kumain kana." Hinila ko sya papuntang kama nya at nilapag sa harap nya ang tray ng pagkain.

"Labas na ko ahh may asikasuhin lang." Paalam ko at tumango naman sya kaya bumalik na akong kwarto

Binuksan ko agad ang laptop ko tiningnan ang detail ng kompanyang ihahandle ko. Oo magtatrabaho ako dito sa kompanya nila. Isa sa mga pinakamalaking kompanya ang kompanya ni tita carol mas malaki pa sa kompanya nila Rika at ung nanay nyang si kris. At isa pa doon nag tatrabaho si camille at maha. Yes magkikita kami maghanda sila.

Si enzo hindi ko pina hanap kung saan sya hindi pa ako ready. Yes bitter na kung bitter pero umaasa ako na siguro mahal nya padin ako. Oo alam kong matagal na yun baka may asawa na nga sya eh pero nagbabakasakali lang.

Si rika naman ay isa sa mga stock holder ng kompanya nila nag iinvest invest din sya, gusto ata gumawa ng sariling kompanya well sorry to say di pa sya naguumpisa lulubog na sya ung mama nya naman ang may ari ng malaking kompanya na dapat ay kay tatay inagaw nya at ngayon babawiin ko wala at akong ititira.

Naghanap na ko ng maisosoot ko bukas aba syempre dadating ang bagong CEO at President sa Sangster Tower Company tamad kasi si tita kaya kami na daw ni thomas muna bahala mag bobonding daw sila ni nanay eh lokaret talaga.

Natulog akong maaga para fresh paggising kailangan ko magpaganda ng todo.

----------
sorry alam kong sabaw huhu. Babawi naman ako tinatamad lang talaga hehe

MEDYO BADGIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon