Hindi na kami pumasok ngayon ni ate para makapagayos ng gamit namin para sa tagaytay. Kasama din sila ate alice, maja at camille, hindi rin sila pumasok para makapag-ayos.
Habang nagaayos kami ni ate naisipan kong tanungin ung tungkol sa ate ni maja
"Ate may gusto daw si ate alice sa pinsan ni kuya mark? Isdatru?(is that true?)"
"Ah oo, si kyzer. Wag ka maingay ah? Nahihiya sya eh." sabe ni ate sakin at nagtupi ng mga damit
"Sinong kyzer? Bat parang di ko nakikita sa school?"
"Hindi yun sa school naten nagaaral." Ha? e pano nakilala ni ate alice? Parang nabasa ni ate ung nasa isip ko kasi sinagot nya agad ung itatanong ko palang
"Pumunta sa school si kyzer kasama ung kapatid nya, sinamahan nya mag enroll. Junior din ung kapatid nun, pinakilala ni mark samin si kyzer ayun na love at first sight ang gaga."
"Pogi ba si kyzer ate?"
"Oo! Nako! Kung wala lang si mark baka yun ung nagustuhan ko! Shems." kinikilig si ate habang sinasabe yun.
Pssshh -___- Hindi loyal. Buti pa ko loyal! Yun lang wala akong boypren HAHAHA! Maganda naman ako, ewan ko ba?Bakit nga ba wala akong boyfriend? Nakatulala ako habang iniisip yun ng nagsalita si ate.
"Bilisan mo na mag ayos mamayang 6pm susunduin tayo ng kotse ni mark." tumayo na si ate at dumiretsong banyo
Oo nga pala babyahe pa kami mamaya para bukas andun na kami.
Pagkatapos kong magligpit bumaba ako para kumain nakita ko si nanay kakatapos lang mag luto.
"Anak nagluto ako para may maibaon kayo ng ate mo." sabe ni nanay
"Thankyou nanay! Si tatay po?"
"Natulog na pagod na pagod anak eh."
Tumango nalang ako at kumain.
Pagkatapos kong kumain ay naligo ako kasi 5pm na maya maya lang ay andyan na sila.*Beep beep*
May bumusina sa labas na kotse at lumabas si kuya mark.
"Ate andyan na si kuya mark!"
Tinulungan kami ng mga katulong namin na ibaba ung mga gamit namin.
Dalawang maleta lang ung dala namin tsaka tig-isa kaming shoulder bag ni ate at ung pinabaon ni nanay.
Nagtataka kayo kung bakit pinayagan kami agad nila nanay? Kung hindi wala akong pake sasabihin ko pa rin ung dahilan lol haha.
Kasi magka-sosyo si papa tsaka ung papa ni kuya mark sa negosyo at balak atang ipakasal si ate kay kuya mark. WALANG FOREVER. joke! Di ako bitter. Wahahaha.
Nakita ko sila maja tsaka si camille kaya tinabihan ko sila habang si ate alice tulog sa dulo katabi ni maja. Nasa harap si ate katabi ni kuya mark. WALA TALAGANG FOREVER. Joke last na yun. Hindi ako bitter! Mwehehehe :3
Nagkwentuhan kaming tatlo sa gitna ng byahe habang si ate tulog.
Maya-maya din ay nakatulog na kaming lahat. Syempre maliban kay kuya mark! Alangan namang matulog din sya, edi bangga kami?Nagising ako ng marinig kong bumukas ung van. Tinignan ko ung paligid at wala na silang lahat maliban saken? Tumingin ako sa bintana at nakita ko ung malaking resort. So andito na pala kame? Wala manlang gumising sakin? -____- Pagkatingin ko sa tabi ko may lalakeng gwapo na nakatingin sakin, tinignan ko din sya, una kong napansin ung mamula mula nyang labi aakalain mong nagliliptint sya sa pula ng labi nya at ang bilog at mapupungay nyang mata. Ang puti pa nya at ang hot dahil hapit ang tshirt na soot nya. Hays ang gwapo naman neto at katabi ko pa. Pipikit na sana ako ng malinawan ako ng may lalake sa tabi ko. MAY LALAKE SA TABI KO?!
"WHO ARE YOU?!"sigaw ko sa katabi ko
"AHH SHIT!" tinagpakpan nya ung tenga nya
"Sino ka? Lumabas ka! Sisigaw kong tulong!" Sabe ko at pinagpapalo sya
"te-teka! Easy! Pinsan ko si kuya mark!" sabe nya at hinawakan ung dalawang braso ko para pigilan akong hampas hampasin sya
"Ah si kyzer!?" Pasigaw kong tanong sakanya
"Hindi kuya ko yun." nagiinat na sabe nya
"ah, eh sino ka ba?" Wala eh ganun talaga ako magsalita eh harsh
"Hahaha! Akala ko nung nakausap kita badtrip ka lang nun kaya ka nagtataray. Pero mukhang mataray ka nga talaga." nakangiting sabe nya.
Purkit gwapo sya pag nakangiti eh, ngingitian ko din sya? Psssshh ASA SYA.
"tapos kana? pwede mo na bang sagutin tanong ko?" taas kilay kong tanong
"Enzo." nakangiti nyang inilahad ung kamay nya. Tingin nya makikipagshake hands ako sakanya? Asa sya ulet
tinignan ko ung kamay nya at bumaba ng sasakyan.
"Hey, san ka pupunta?" feeling close nyang tanong
"PM." sabe ko at tinignan ung mapa na malaki sa harap ng malaking resort
"Pm?" pagtatanong nya Hahaha! Sana hindi kana nag tanong.
"Pakielam mo?" sabe ko sabay irap sakanya
"Antaray mo, Dyan kana nga." aalis na sana sya ng hilain ko ung braso nya
"Tekaaaa! bago ka umalis saan na pala sila?"
"May bar dito sa resort nagiisa lang yun. Andun sila." sabe nya at tumalikod ng hilain ko ulit sya
"Tekaaaaa!San ung bar?" imbis na sumagot timingin sya sa kanan kung saan ung direksyon ng mapa
"Para saan pa yang mapa kung hindi mo gagamitin?" turo nya sa mapa
"Aissh! Hindi ko maintindihan eh!" nakakainis gumaganti ba sya? Uggh
Ngumiti sya. "Problema ko pa ba yun?"
Teka? Naalala ko sya! Sya ung nag tanong pala sa school.
"Naalala na kita! Ginagantihan mo ba ko?" naiiritang tanong ko
"Ngayon alam mo na kung anong pakiramdam." ngumiti sya at kinuha ung maleta ko
Sinundan ko lang sya habang nauuna syang maglakad.
Naglakad kami ng naglakad ang ganda pala ng resort na toh! Pagkalagpas namin sa swimmingpool pumasok kami sa loob ng bar.
"Kamusta tulog?" nakangiting tanong ni ate
"fine." umupo ako at tinungga ung basong puno ng err tubig ata? Uhaw na uhaw ako eh bakit ba? Dirediretso kong ininom ung laman ng baso ng makita kong nakatitig silang lahat sakin at nagulat.
"Ahh shit!" napahawak ako sa ulo ko. Biglang sumakit takteeee!
Tumawa si ate. "Gaga ka. Its a beer. Hahahahahahahahaha!" kaya pala medyo maalat kaynes.
"Funny! Uggh, san ung kwarto matutulog na ko."
"Enzo hatid mo sa kwarto." hindi ko na narinig pa ung mga pinagusapan nila kasi feeling ko umiikot ung buong paligid at ang inet! May humawak sa braso ko anlabo di ko maaninag nyeta! Ganto pala ung feeling ng nakainom noh? Nakakabaliw. Feeling ko lumilipad ako.
BINABASA MO ANG
MEDYO BADGIRL
Fiksi Remaja"Lucy Apple Qui" Bully, Pang-asar, Prankster, Annoying, Prangka, trouble maker in short MEDYO BADGIRL.