------
Maaga ako nagising kasi excited akong
pumasok ngayon. Totoo pala ung sinabe nila noh? Pag may inspirasyon ka sa school sinisipag ka pumasok.
Pagtapos ko maligo at magbihis ng uniform ay bumaba na ko para kumain.
"Morning nay!" bati ko kay nanay at umupo sa silyang kaharap nya
"Bilisan mo na at iiwan ka na ng ate mo." Isa pang may inspirasyon yon kaya atat pumasok palibhasa kasabay si kuya mark.
Binilisan ko na ang pagkain kasi nag aantay daw si ate sa sala.
Nakarinig ako ng tawanan mula sa sala habang papalapit ako at nakita ko si ate. Masyadong pacute ung tawa! -____- Ung tawa nya pang virgin :3 Virgin naman sya kaso ung tawa nya pangmahinhin maria clara ganun. Eh pag kaming dalawa lang, ung tawa nya abot kanto tapos nakanganga pa minsan nga tumatalsik pa ung laway eh :3 Todo pa cute talaga kay kuya mark.
"Tara na!" sigaw ko sa tenga nya pagkalapit ko sakanya
tinignan nya lang ako ng masama. Bwuhahaha! Paglabas namin ng bahay may lalake?! Tekaaa!
"Tara na enzo." tinapik ni kuya mark ung balikad nya at nilampasan sya
Si enzo nga -__-" Eh bat hindi nya na ko pinapansin?! Eh friends naman kami nung asa resort ah?!
Nauna mag lakad si ate tsaka kuya mark kaya naman kinausap ko si enzo para naman hindi awkward.
"uy." kinalabit ko sya kasi medyo nauuna sya kesa sakin
"o?" diretso pa din ung tingin nya sa dinadaanan. Di man lang ako nilingon! :3
"Wala. musta?" wala akong masabe eh
"fine." Srsly? Camille lang ampeg?! Tipid mag salita?
"Bat ansungit mo." nakakunot noo kong tanong
"Edi wag moko kausapin kung nasusungitan ka." Aba! Antaray! Ginaya nya pa ung sinabe ko sakanya remember? Nung nasa resort kami pinaliguan nya ko wala sa oras.
"Kfine." tinarayan ko nalang sya at nauna mag lakad
Nakarating kami sa school ng tahimik at walang nagsasalita. Hanggang pagpasok namin sa room walang nagsasalita. Bahala sya! Arte nya! Bading ata yan e.
"bat nakabusangot ka?" bungad sakin ni maja
"Psshh wala may bading kasi akong nakausap." pagpaparinig ko kay enzo kasi kasunod ko lang sya
"oh? enzo bat nakabusangot ka din?" tanong naman ni camille kay enzo
"May tae kasi akong naapakan nagalit, putak ng putak." NYETA! TAMA BANG IHALINTULAD AKO SA TAE?! BUSET TALAGA YANG ENZO NA YAN!
"tae? nagalit kasi inapakan?" magtatakang tanong ni camille sa sarili nya. Gaga naniwala naman sya :3
Nagsimula na ang klase at tahimik lang kami.
"Okay class magkakaroon tayo ng activity since ang topic natin ay may connect sa biography. Ganto lang parang gagawa kayo ng slumbook at papasagutan nyo yun sa partner nyo, okay? So mag hanap na kayo ng partner nyo. Go!" naghanap na kami ng partner at hinila ko sa buhok si maja. Mag hahanap pa eh! Andito naman ako leche toh!
"aray naman!" reklamo nya sabay haplos sa buhok nya
"Mag hahanap kapa kasi eh andito naman ako." tinarayan ko sya at gumawa na ng slumbook para sakanya.
BINABASA MO ANG
MEDYO BADGIRL
Teen Fiction"Lucy Apple Qui" Bully, Pang-asar, Prankster, Annoying, Prangka, trouble maker in short MEDYO BADGIRL.