"Pano ko sya makakalimutan? Dapat ko bang itapon lahat ng gamit na may konek sakanya?" malungkot na sabe ni camille
"Camille, Hindi mo sya kakalimutan okay? Wag mo syang kakalimutan kasi hindi ka tanga para paniwalain yang sarili mo na hindi mo sya kilala, maliban nalang kung iuntog kita sa bato para magka amnesia ka. Gusto mo?" tanong ko sakanya
"Ayoko!" mabilis na sagot nya
"Hindi mo din kailangan ng mga steps na yan tsaka itapon lahat ng nakakapagpaalala sakanya. Hindi mo din kailangan kalimutan ung mga masasayang alaala nyo."
"Ha? Eh paano ko sya makakalimutan?" nagtatakang tanong nya
"Tanggapin mo lang na wala na kayo."
"Yun lang?Pano yun? Ang hirap naman nun." Pagrereklamo nya
"Matauhan." simpleng sabe ko
"Pa-pano--" hindi ko na sya pinatapos at hinawakan ang magkabilang pisngi nya.
"Kahit anung sabihin ko sayo wag na wag kang iiyak, dahil bawat luha na pumatak sa mata mo sasampalin kita." Nanlaki ung mata nya sa sinabe ko
"Camille, Masakit man aminin pero hindi ka na nya mahal at hindi ka nya minahal kaya wag kana umasang babalik pa sya kasi ikaw lang ung nagpapakatanga. Si mae ann ang mahal nya hindi ikaw. Isaksak mo yan sa kokote mo, wag kang umasa mukha kang tanga. Kalimutan mo na sya!" sigaw ko sa harap nya
"Aray." naiiyak na sabe nya pero pinipigilan nya, Aba dapat lang!
"Buti nga sayo." pangasar nya
"Tama. Hindi na kami magkakabalikan, feeling ko natauhan na ko." nakangiting sabe nya
"Verygood." sabe ko
"Hinding hindi na ko iiyak pag nakita sya, Papakita kong kaya ko kahit wala sya at mas maganda ako kesa sa pinalit nya sakin." nakangiting sabe ni camille.
Napangiti ako kasi tapos na ang pagpapakatanga nya.
BINABASA MO ANG
MEDYO BADGIRL
Teen Fiction"Lucy Apple Qui" Bully, Pang-asar, Prankster, Annoying, Prangka, trouble maker in short MEDYO BADGIRL.