"a-aray!" sigaw ni camille.
Nandito kami sa kwarto ko ngayon at ginagamot ko ung sugat nya.
"Tiisin mo! Ang tanga mo kasi para hindi lumaban! Pwede ba wag ka ng iiyak lang next time?! kung hindi pa pala ako pumasok ngayon edi pagpasok ko bukas lumpo kana!" Naiiritang sabe ko sakanya.
"Eh kasi natatakot ako sabihin sayo. Kanina pa nga lang kinawawa mo na si mae ann eh, paano pa kaya sa susunod na araw?" Told yah! Masama ako magalit.
"Kita mo tong bruha na toh! Ikaw na nga tong tinulungan ko pero mas iniisip mo parin sya?!" sigaw ko sakanya.
"Eh kasi alam ko naman hindi ka nya kaya eh." abat sinigawan din ako?!
"NASA IISANG KWARTO LANG KAYO PERO NAGSISIGAWAN KAYO?!" bumukas ung pinto at nakita namin si ate, "ohmy? Camille? Anung nangyare?" nagaalalang tanong ni ate.
"Binugbog nung mae ann, kilala mo yon ate? Senior din sya eh." sabe ko habang ginagamot ung sugat ni camille.
"Yeah, she's my classmate. Napakasama talaga ng ugali non!" Naiinis na sabe ni ate.
"Classmate mo? Bat hindi ko nakikita pag pumupunta ako sa room mo?!" kunot noo akong humarap sakanya.
"Cutting." simpleng sagot nya.
"Ate, okay lang bang awayin ko yun?"
"Sure, tutulungan pa kita." Nag wink sakin si ate. May tinatagong kamalditahan yan! Mas malaki pa sungay nyan saken.
MAE ANN CONCEPCION, HUMANDA KA.
Hinatid na namin ni ate si camille sa kanto at umuwi na rin.
Kumain kami at natulog na. Excited na kasi akong pumasok.
BINABASA MO ANG
MEDYO BADGIRL
Teen Fiction"Lucy Apple Qui" Bully, Pang-asar, Prankster, Annoying, Prangka, trouble maker in short MEDYO BADGIRL.