CAPITULUM 165 - The Revelation (Part 1)

35 6 0
                                    

165 | Stay

LUNA EUNOIA'S POINT OF VIEW

Abala ako sa pagliligpit ng mga gamit at pag-aayos. Panay ang buntong-hininga ko, minsan ay tumitigil para isipin kung ano ba talaga ang dapat na gawin.

Kailangan ko nang umuwi pero hindi naman magandang umalis na lang ako bigla nang walang pasabi. I need to at least inform my doctor or any of the Valeriouses that I have to leave already. Also, I need to show my gratitude for the last time.

Naka-face mask na, hawak ko na ang bag ko, at inaayos na ang hinigaang kama sa ospital nang may kumatok sa pinto bago ito bumukas. Bahagyang namilog ang mga mata ko nang nakita ang pagpasok ni Signorino Zayden.

Umatake agad sa ilong ko ang bango niya. Kinagat ko ang labi, hindi alam ang dapat na sabihin ngayong nasa harapan ko siya at humihinga.

"You're...leaving already?"

His hair is combed neatly and despite him already wearing casual clothes, alam kong pasyente pa rin siya rito at kailangang magpagaling habang inaantay na magising ang iba.

"Uh, Oo. Dumating na kasi si Elena, pinapauwi na ako. Magpapaalam lang ako sa doktor b-bago umalis."

Ilang sandali pa akong napatitig sa Signorino bago nagising ang ulirat ko. Para akong nakalutang sa ere habang kinakabisado ang mukha niya. Agad nga lang akong nag-iwas ng tingin dahil sa titig niya.

Hindi ko kayang magtagal sa isang kwarto kasama ang Signorina kaya nang makahugot ako ng hininga ay lumapit ako para makalabas na nang pinto.

"And you really think the hospital will allow you to go? You're not fully recovered yet, need I remind you," sa banayad na boses.

Suminghap ako at pilit na tumingin sa iba habang kumakapa ng sasabihin. The feeling of having him standing before my eyes with all his attention on me made me shake like a leaf.

Noong nasa safe house siya at walang malay, panay lang ang sulyap ko sa kaniya. Wala akong ganitong kaba na nararamdaman kahit pa noong nagising na siya sa rooftop. The only thing I feel was admiration since, of course, he's a Mondevalle prince. He's Letizia Valerious and Emmanuel Mondevalle's youngest son. Ngunit ngayon ay dumoble ang kaba sa dibdib ko. Siguro dahil sa katotohanang mataas ang estado niya sa lipunan, pero kinakausap niya ang isang mababang taong katulad ko.

Bihira lang sa mayayaman ang hindi matapobre na katulad niya. Hindi niya ako tinitingnan na parang isang alikabok lang. Sa halip ay tila tumatagos pa ang tingin niya hanggang kaluluwa ko.

"Ayos naman na ako, Signorino. Kaya ko ang sarili ko..."

His jaw clenched. Nakita ko ang dumaang iritasyon sa mga mata niya. I never thought he'd be this darkly handsome in person. Iba pala kapag hindi na nasa TV o magazine. Those dark blue eyes, black silky eyebrows, striking eyelashes, defined and narrow nose, clenched jaw, firm muscles and that grimace made me feel so tiny and sensitive. Parang kahit galit ay iba ang takot na pinararamdam sa'kin ng mga iyon.

Humakbang siya ng isang beses at halos mapaatras ako.

"You may be brave and appear strong in front of everyone, but you can still break...Luna."

I swallowed hard from the way his tongue flicked with the mention of my name. The way his dark eyes caressed all the corners of my delicacy, the way his lips pursed into a thin line, and the way he smoothly crossed his arms, and lifted his brow, when he stopped just meters in front of me left me out of breath.

Nanlalambot na ang mga tuhod, hindi ko na kayang magtagal sa harapan niya, nagmadali akong lumabas habang dala ang duffel bag. Napahinto lang ako nang nakitang nasa harap na ng kwarto ko si Elena habang kunot ang noo at mukhang nagtataka sa itsura ko.

FLAMES OF ROZE | Season 3 - THE REVELATION (PT 1-3) | TRS#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon