CAPITULUM 172 - The Revelation (Part 1)

43 2 0
                                    

172 | Vacation

XIAFEZIN ROZE'S POINT OF VIEW

"I, uhm, I'm sorry to bother you over breakfast but...do you have a minute to talk?"

Something in her expression made my chest pound with fear. I looked at Krystal. He's already watching us with curious eyes. Pati si Ruiz, naagaw ang pansin at napatingin din sa pinto. He smiled cutely at Blanka. Blanka only smiled back and waved at him.

Napasulyap ako kay Yassi at nakitang tinititigan niya si Blanka sa paraang nanunuri. Lumapit ako sa kanila para ilapag pabalik sa center table ang hawak kong baso.

"I'll be back in a while. Usap lang kami," paalam ko kay Krystal.

"Are you done eating?"

"Oo. Uminom na rin ako ng tubig."

Halatang nagtataka siya sa maaaring pag-usapan pero hindi na siya nang-usisa pa.

"Alright," ang tangi niyang sagot.

Dinala ako ni Blanka sa hagdanan sa may exit para doon mag-usap. Iniwan niya ang mga bag niya sa taas ng hagdanan bago kami bumaba sa isang floor para mag-usap sa ilalim ng isa pang hagdanan. Walang dumadaan doon dahil halos lahat naman ng nasa building ay gumagamit ng elevator, kaya siguro dito ako dinala ni Blanka.

Tumigil kami sa isang pababa bago niya ako hinarap, at matapos masigurong walang ibang tao sa paligid bukod sa'ming dalawa.

"Mabilis lang ito kaya sana...makinig ka nang mabuti sa mga sasabihin ko," seryosong-seryoso siya.

Kinabahan tuloy ako. Hindi ko alam kung anong maaaring pag-usapan namin ngayon.

"Ano bang nangyayari? Anong pag-uusapan natin?"

"I'm leaving, Roze. Ilang buwan akong mawawala kaya sana habang wala ako, pakitingnan-tingnan naman si Blake? Makulit ang isang iyon. Gustong magsarili. Ayaw niya rito kina Darcee. Mas gusto niya talaga sa bahay mo sa Harasa."

"Oo, nag-usap na kami ni Blake kanina. Ayaw niya talaga sa safe house. Ayos lang din naman sa'kin, basta nag-u-update siya..."

Tumango siya, pagod ang mga mata. Mas naramdaman ko ang pag-aalala sa maaaring sadya niya sa'kin.

"Pero, balik tayo sa'yo, aalis ka? N-Ngayon na? Bakit biglaan naman? May problema ba?" kunot-noo kong tanong at sunod-sunod. "Bakit ka aalis? 'Di ba...tutulungan mo pang lumipat ng bahay si Blake ngayon?"

Blanka nodded and smiled a bit. "Natulungan ko na siya sa mga dadalhin niya mula pa kagabi. Naasikaso ko na rin lahat ng papel na dapat niyang ayusin bago ako nagpaalam sa kaniya. Dapat talaga sasama ako sa paglilipat niya, kaya lang napaaga ang schedule ng flight ko papuntang Copenhagen kaya si Klaud na lang ang sasama sa kaniya mamaya."

Nanlaki ang mga mata ko. "Whoah, wait! What? Copenhagen? Pupunta kang Denmark mag-isa? B-Blanka, what's going on?"

"Buntis ako."

Hindi ko agad nakuha iyon. Parang guni-guni ko lang ang sinabi at hindi ko naintindihan.

"Ahh..." My head tilted as I processed the information. "A-Ano...Ano? Pakiulit nga?"

"Buntis ako," ulit niya, na parang matagal na niya itong ni-rehearse kaya wala nang emosiyon habang sinasabi niya.

Saglit akong hindi nakahinga habang tinitingnan siya sa mga mata na parang naghahanap ng kung ano roon na magpapatunay na biro lang ang lahat ng ito.

"Ayoko sanang may makaalam tungkol dito, pero gusto kong malaman mo kung bakit ako pansamantalang mawawala dahil alam ko na hindi ka pa maayos. Ayokong isipin mo na wala akong pakialam. Alam kong kailangan mo kami, ako. Gusto ko nandito lang ako kapag kailangan mo, pero heto ako at aalis...gawa ng problema ko," paliwanag niya.

FLAMES OF ROZE | Season 3 - THE REVELATION (PT 1-3) | TRS#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon