CAPITULUM 161 - The Revelation (Part 1)

65 6 0
                                    

161 | Malevolent

ROZE'S POINT OF VIEW

Marahan kong dinilat ang mga mata.

Facing the curtains, I noticed light seeping around the edges of them. It's already early in the morning. What was that just now? Alam kong may panaginip ako na nakakatakot, pero sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, hindi ko maalala kung anong panaginip iyon.

When I looked around, I realized I was the only one left in the middle of furry pillows. Wala na sina Krystal at Ruiz.

I was immediately alarmed as I got up, I could smell the rosy fragrance of my hair as it exploded on my shoulders. I looked around and found Scarlett sleeping peacefully on our couch.

Narinig ko ang pinto. Hindi ko na kailangang buksan iyon para tingnan kung sino ang nariyan. It has opened and it revealed Zayden. Marahang sumungaw ang ulo niya para tingnan kung gising na ba ako. Then he smiled a bit when he saw me up already, before he finally stepped inside the room.

"Good morning," bati niya. "Can I come in?"

Tinabunan ko ang sarili ko ng kumot. "N-Nakapasok ka na," I pointed out.

He gave a shy smile as his eyes fluttered. I pulled my feet together on the sheets as I watched him nervously.

"N-Nasaan si Krystal? Si Ruiz?"

"Nagbi-breakfast na sila sa baba."

Kumalma ako sa narinig at napawi ang pagkakabalisa. Lumapit si Zayden at umupo sa kama. He kept his distance though.

"Pinaakyat ako rito para gisingin na kayo ni Scarlett," he added and noticed the way I covered myself with the comforter.

"O-Okay."

Ngumuso siya. "So, how do you feel?"

"Feeling much better now."

"Glad to hear that."

Huminga ako nang malalim at napapikit saglit. "I'll just get ready," sabi ko at umambang aalis pero hinawakan ako ni Zayden sa kamay para pigilan.

"Hold on..."

I almost flinched. I looked down at his hand on my small hand. Agad din niyang inalis nang napansin ang reaksiyon ko.

"Wala ka munang babanggitin kay Krystal...tungkol sa nangyari kagabi, malinaw?" marahang aniya.

My eyebrows raised anxiously and he continued.

"Wala siyang naaalala. Baka kapag may sinabi ka na kung ano, magtaka siya."

"B-Bakit wala rin siyang naaalala?" pagtataka ko.

"Dahil binura mo ang alaala niya sa nasaksihan at narinig kaninang madaling araw."

Napataas ang mga kilay ko sa pagkalito. At nagbalik sa'kin ang mga kaganapan kagabi. "Hindi ko maintindihan. H-Hindi ko maalalang may ginawa akong ganoon."

Bumuntonghininga siya na parang ang hirap ipaliwanag sa'kin.

"Ano ba talagang nangyari, Zayden? Sabihin mo na sa'kin," halos marinig ko ang pagmamakaawa sa sariling boses. "Handa ako sa ano mang maririnig ko galing sa'yo kung iniisip mong masiyado akong mahina para—"

"Wala na si Xia sa'yo," putol niya bago pa man ako matapos.

Akala ko handa ako roon, pero nagkamali ako.

Para akong natuklaw ng ahas sa narinig.

"Nakatakas siya kagabi at pinahahanap na siya ngayon ni Darcee, at hanggang ngayon hindi pa rin namin siya makita."

FLAMES OF ROZE | Season 3 - THE REVELATION (PT 1-3) | TRS#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon