CAPITULUM 181 - The Revelation (Part 1)

24 0 0
                                    

181 | Solace

XIAFEZIN ROZE'S POINT OF VIEW

Everything turned out exactly the way I predicted. That's what I can say at least if only Elena didn't exert an epic performance after, asking me why her family died, why her family...was murdered.

I didn't really know how to answer her. I was so...confused. How would I know the reason? I have nothing to do with her husband and son. I only met them once and that's it. Why she kept on believing that I was the killer all this time is beyond my understanding.

Maayos ang pakikitungo niya sa'kin noong matapos ang usapan namin sa libing ng asawa at anak niya. Iyon pala  pinaghihinalaan pa rin niya ako?

How funny. When here I thought all this time she thought of me as her true friend. Kahit na sandaling panahon lang ang pinagsamahan. Not a close friend...but at least...a friend. Iyon...pala kaaway ang tingin niya sa'kin.

Hindi ko nga lang siya nakausap nang maayos dahil punong-puno na ako bago pa ang araw na iyon, pero may araw din siya sa'kin. Ang mahalaga ngayon, napalaya ko si Kendall sa bilangguan at nakatitiyak na ako na wala nang gagawin pa si Yurikahana laban sa kaniya.

Bukod doon, naipaalala ko rin sa mga tao ng palasyo kung ano ang kaya kong gawin. Wala akong pakialam sa nakatataas. May laban ako sa kanilang lahat.

I am not the one to be blamed. They made me do it. Only the Valeriouses can be considered as family, but despite that, I still showed the least of my kindness to the majority of them. I still see them as the higher people of authority after all. They should take it as a token of my appreciation.

My lips moved, wanting to smile, but I was too weak to even form one.

Natatakot ako sa magiging kapalit nito pero alam ko na mas matapang na ako ngayon at mas magiging handa.

"Roze. Bakit hindi ka pa natutulog?"

Nawala ang malalim na pagkakatitig ko sa kisame ng kwarto nang lapitan ako ng bagong ligo na si Krystal habang nagpapahinga na ako sa higaan namin. I felt his hand on my arm as he tried to hug me but was stunned by my temperature.

Nagugulat niyang kinapa ang leeg ko at noo. "May sinat ka!" bulalas niya.

Doon ko lang din napansin na iba na ang temperatura ko dahil kung ikukumpara sa'kin ay mas malamig ang balat niya. I only blinked calmly and closed my hurt eyes. This is sickening. Kanina ko pa pinipigilan na umiyak. Kaya rin pala nag-iinit ang mga mata ko at medyo masakit ang ulo. Iba na pala ang nararamdaman ko...

"Sandali, kukuha lang ako ng pamunas at ng gamot," paalam niya bago tuluyang umalis sa tabi ko.

Ilang sandali na ang nakalipas nang nakauwi kami matapos ang nangyari. Nakakain ako nang kaonti at nakapaglinis na ng katawan bago nahiga rito. Siguradong sa mga oras na ito ay nakauwi na rin sina Kendall sa safe house at kapwa maayos na rin ang lagay nila.

Nakabalik si Krystal sa tabi ko, dala ang maliit na planggana na may lamang tubig at puting bimpo. Kasunod niya si Anita Avah na may dalang isang tray na naglalaman ng banig ng gamot, isang malinis na baso, at babasaging pitchel ng tubig.

"Anita Avah, you can go now. Ako nang bahala sa kaniya," ani Krystal sa butihing kasama.

Anita Avah glanced at me before Krystal again. "Hindi ba tayo tatawag ng doktor, hijo?"

Umiling si Krystal. "Hindi na po muna. Hindi naman ganoon kalala ang lagay ni Roze. I can take care of her."

Anita Avah sighed. "Sige. Basta kung kailangan mo ng tulong, nariyan lang ako sa labas."

FLAMES OF ROZE | Season 3 - THE REVELATION (PT 1-3) | TRS#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon