CAPITULUM 193 - The Revelation (Part 1)

23 0 0
                                    

193 | Brewing

ZAYDEN JAX'S POINT OF VIEW

Habang tumatakbo at nagpapapawis sa treadmill, hindi pa rin maalis sa isip ko ang naging usapan namin ni Roze.

Pabalik-balik ako sa mga detalye. Hindi ko mapigilang mag-alala sa sitwasyon. Hindi ako mapalagay, dahil ang totoo, nagsinungaling ako sa kaniya.

Hindi totoong wala akong napapansing kakaiba, na wala kaming napapansing...mali.

Pinili ko lang talaga itago para pigilan siya sa pagkakabalisa tungkol dito. It's not good for her. At sa'ming lahat, ako ang mas nakakaalam at nakakaintindi niyon.

Mabilis ang paghinga, lalo ko pang binilisan ang pagtakbo, hanggang sa naramdaman ko ang pag-init ng katawan ko paakyat sa ulo. Unti-unti akong tumigil hanggang sa bumaba ako para kuhanin ang face towel at uminom ng tubig.

Bumuntonghininga ako nang tuluyan nang nakapagpasiya. Nagpahinga ako nang ilang sandali at nag-ayos bago nilisan ang gym para pumunta sa command center ng ELU kung nasaan si Darcee. Alam ko na marami siyang ginagawa, pero hindi na ito makakapaghintay.

Nakarating agad ako sa destinasyon at pinasok ang pinakamalaking branch ng Mondevalle Hospital. Karugtong ng ospital ay tumutulay sa isa pang gusali nasa likod nito at pagmamay-ari namin, ang surface complex. Sa ilalim niyon ang ELU command center.

I took a deep breath and let the securities open the metal doors for me.

The surface complex's receptionist looked up at me with a smile, but I barely registered her greeting as I made my way to the centre. Sa gitna niyon, nakasalubong ko pa ang Brigadier General. Sumaludo kami sa isa't isa at nag-usap saglit.

Kalaunan, dire-diretso na ulit ang pasok ko kasunod ang mga tauhan. Tumigil lang sila sa pagsunod sa'kin nang makapasok na ako sa underground at ang tanging sumama sa'kin ay isang babaeng assistant na maghahatid sa'kin sa tumatayong opisina ni Darcee.

We don't actually work for ELU, but ELU works for us here in Cebu, and other parts of the world for securities and operations. Specifically, they work for the Betelguese Society and the Sirius Society, which makes us little commanders. This is why we have a designated office to stay in.

As I walked, my mind raced with thoughts of what I needed to tell my cousin. It was something important, something that had been weighing on me for weeks. At ang napag-usapan namin ni Roze kagabi ang lalong tumulak sa'kin para magpunta rito.

Finally, the doors opened and I stepped out into the sleek and modern office space.

Darcee was waiting for me, looking up from his desk with a curious expression. He had a phone on his right ear. Hinintay ko pa munang matapos siya sa kausap niya. Nagpatiuna na ako na magsabi na pupuntahan ko siya kaya inaasahan na niya ang presensya ko.

"Yeah. Yeah. I told you a hundred times, if you're so desperate for Roze, just wait for us to get back home and we'll deal with you right away," aniya sa kausap.

Who's he talking to?

Kalaunan, binaba na rin niya ang tawag at nag-angat ulit ng tingin sa'kin.

"You're here," he announced.

When I entered his office, it was dimly lit, and my eyes had to adjust to the lighting. Knowing him, mas nakakapag-isip siya nang maayos kapag hindi masiyadong maliwanag ang paligid.

"Who were you talking to?"

"Just Riva. As usual, she's still begging us to go back home immediately. Told her to wait."

I sighed. "Yeah, for us to buy more time. Right?"

Darcee only looked at me.

"By the way, what's so important that you can't discuss it on the phone, and we have to talk in person?" he asked, sensing the anxiousness in my demeanor.

FLAMES OF ROZE | Season 3 - THE REVELATION (PT 1-3) | TRS#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon