CAPITULUM 195 - The Revelation (Part 2)

62 0 0
                                    

195 | Masked

XIAFEZIN ROZE'S POINT OF VIEW

"Roze? What are you doing here at this hour? A-Are you okay?"

Wala ako sa sariling napatingin kay Kim na nakasalubong ko sa daan. Mukhang papunta siya sa terasa kung saan ako nanggaling, mukhang balisa at hinahanap na si Darcee.

Nalilito niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa na parang sobrang unexpected na makita ako roon.

"H-Have you seen Darcee?" she asked worriedly. "Wala siya sa room namin. I've been looking for him anywhere, but I can't see him."

"P-Please, take care of him. He's very drunk and high. He's not okay—"

"What?! Where's he?"

Sinabi ko sa kaniya kung saan ko iniwan si Darcee. Agad siyang umalis sa harapan ko para puntahan ito. Siya na ang bahala. Dahil tapos na ako.

Tapos na ako sa mga bagay na ginagawa ko noon...para sa kaniya.

Matagal na naming tinapos.

Humihinga nang malalim, inayos ko ang suot kong roba sa balikat. Nagmamakaawa na ang katawan ko sa'kin na magpahinga. Basang-basa pa ako sa ulan at magkakasakit ako kung magtatagal ako rito sa labas kaya kailangan ko nang bumalik sa hotel room namin.

Nanginginig pa ako nang ini-swipe ko ang key card. Bumukas naman at maingat akong pumasok, takot na makagawa ng kahit anong ingay.

Patay na ang lahat ng mga ilaw at ang hula ko, tulog na si Krystal pero...

Namilog ang mga mata ko sa gulat nang makita siya sa dilim, malapit sa kusina. Nakasandal sa pader habang pinapatay-sindi ang lighter na hawak.

"Saan ka galing..." tanong niya nang hindi ako tinitingnan.

Nanlamig ako sa tonong ginamit niya bago hinayaan ang pinto na sumarado.

Maliwanag pa sa labas ng bintana namin, gawa marahil ng buwan. Bahagyang tumatagos ang liwanag nito sa bintana kaya kung makakapag-adjust na ang mga mata, hindi imposibleng makakita pa rin kahit na nakapatay na ang mga ilaw.

"M-Magbibihis muna ako," I croaked, my breath catching in my throat, as a suffocating silence enveloped the air.

Doon pa lang niya ako binalingan. His face was straight dead-cold, but there was a glint of anger in his eyes when they met mine.

Hindi ako nakagalaw sa pinto. Alam kong malinaw niya rin nakikita ang itsura ko. At hindi ako makahanap ng tamang salita para ipaliwanag kung saan ako galing at bakit ako basa ng ulan.

Imbis na mag-isip at tumulala sa kaniya, tinulak ko ang sariling mga paa para lumakad sa walk-in closet ng kwarto, malapit sa banyo. Hinubad ko agad ang roba ko at papasok na sana sa shower para magbanlaw.

"Anong nangyari sa damit mo?"

He walked fast to me that I didn't even notice it. Napaharap agad ako sa kaniya na parang kaya kong itago ang warak ng damit sa likod ko. Damn, how could I forget about this?!

"Uhm, s-sumabit pala kasi ako sa...sa pako," imbento ko habang yakap ang sarili. "H-Hindi ko namalayan! Noong umalis ako, biglang napunit...kaya..."

He advanced towards me at a deliberate pace. Kaliwa't kanan ang galaw ng mga mata ko, hindi na alam kung saan pa hahanap ng idadahilan para lang itago ang totoong nangyari.

"Talaga?"

He's not buying it, I know.

At sa tono niya, mukhang alam niyang nagsisinungaling ako.

FLAMES OF ROZE | Season 3 - THE REVELATION (PT 1-3) | TRS#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon