CAPITULUM 186 - The Revelation (Part 1)

38 0 0
                                    

186 | Inferno : A Warning From Luci

XIAFEZIN ROZE'S POINT OF VIEW

Iniwanan ko siya na maayos ang lagay at nakapikit na. Mabuti at mabilis siyang nakatulog nang sandali ko siyang tinabihan. Talagang pagod siya.

I made sure that he's already asleep before I leave him with a kiss on his cheek. Then I went straight to the kitchen and got the recipes for his chicken soup.

Nasa gitna ako ng paghahanda ng mga kailangan nang tumunog ang cellphone ko. I turned at the chest of drawers in the living area where I put my cellphone. I hurried to pick it up. It's Mama Klaudia.

"Hello, Mama Klaudia?" I answered in a cheerful tone as I pressed my phone on my ear. "Pauwi na po ba kayo?"

"Oo, hija. Pauwi na. Mayamaya lang nandiyan na kami. Ginabi na dahil maraming pinamiling maternity dress itong si Piper."

Napasulyap ako sa kalangitan na nagdidilim na. "Uhm, I see. Sige po, tumawag na lang po kayo ulit kapag nandito na kayo. Ako po magbubukas ng gate."

"Oo, sige. Tumawag din ako dahil pinatatanong nitong si Ruiz kung anong paborito mong kulay. May pinapabili kasi siya para sa'yo."

"Ah! Ganoon po ba...pakisabi po sa kaniya na okay sa'kin ang kahit ano, basta gusto niyang ibigay sa'kin," ngiti ko. "But let him know that I like something red and white."

"Oh, you hear that, baby? Your momma loves red and white!"

I heard Ruiz cheer over the phone. "Momma, I have pasalubong fow you and Dada! You'll like them for suwe!"

"Thank you, baby! I love you!"

"I love you, too, Momma!"

Mama Klaudia cheered along with Ruiz. Maingay ang paligid nila at halos hindi ko narinig ang usapan ng dalawa. Mukhang nasa crowded public sila, lalo at may naririnig pa akong tumutugtog na banda at fireworks.

"By the way, hija, don't bother cooking for dinner tonight. Marami kasi kaming biniling pagkain sa labas, nagustuhan kasi namin ang luto noong kumain kami ng lunch. Magluluto rin ako para sa'ting lahat."

Napangiti ako. I'm so lucky I have a thoughtful mother-in-law.

"Okay po, Mama. Pero...gagawa po ako ng chicken soup para kay Krystal. Nag-request po siya, eh."

"Oh, that's okay, hija. Ang akin lang naman ay baka magluto ka pa nang maraming pagkain. Hindi na kailangan dahil nagpaluto kami sa restaurant. You know, you should go there and try the food! And by the way, the restaurant's owner is my friend, so you don't have to worry about our food's safety. Okay?"

"That's so relieving to hear, Momma. Sige po, hindi na ako magluluto ng dinner."

"See you at home, hija."

Agad ko namang ginawa ang pinag-uutos ni Mama Klaudia. Paganito-ganito lang ako, pero nauutusan naman ako. I took care of the fishes she told me to put on bowl of water.

Kaya lang, imbis na palambutin iyon nang basta-basta lang sa tubig, naisipan ko pang maglaro.

Pinainit ko ang mga kamay ko at binabad ang mga ito sa tubig. I did that enough until I'm satisfied that the ice melt.

Tinitigan ko ang mga kamay ko. My fingertips were still slightly blazing. I smiled, relieved that my powers hadn't waned despite my lack of use to them.

Lumabas ako ng bahay nila, pero iniwan ko nang bukas ang ilaw bago umalis.

Naglalakad ako pabalik ng tree house, at paakyat na sa hagdan para makapasok nang bigla akong makarinig ng kaluskos sa gilid ng bahay. Kulay asul na ang langit sa dilim kaya hindi ako sigurado kung ano iyong nakita kong gumalaw. Binuksan ko kanina ang ilaw sa kusina kaya lumabas sa bahay ang liwanag at medyo may ilaw sa banda kung saan ko narinig ang kaluskos, kaya malakas ang loob ko nang lumapit ako roon.

FLAMES OF ROZE | Season 3 - THE REVELATION (PT 1-3) | TRS#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon