CAPITULUM 163 - The Revelation (Part 1)

48 5 0
                                    

163 | Struck

ROZE'S POINT OF VIEW

The sight of Ivanna gives me chills. Hindi ako makapaniwala.

Hindi ko maipaliwanag ang kababalaghang nangyayari sa kaniya, at ang bigat ng nararamdaman ko sa nangyayari. Huli kong naramdaman ang ganitong klase ng takot noong isang beses akong sugurin ng mga rebeldeng anghel sa kagutaban sa bahay namin sa Costa Realda.

Noong naramdaman ko iyon...parang doon ko pa lang tuluyang naintindihan ang ibig sabihin ng salitang takot. Ang maramdaman ulit iyon ngayon, hindi na nakagugulat sa sitwasyon na ito.

Sa nakakakilabot na lamig, kinailangan ko pang yakapin ang sarili para lang pakiramdaman ang bawat presensya sa paligid.

"Maging alerto kayo sa paligid!" narinig kong babala ni Kendall habang nag-aayos ng baril. "Marami pa akong nakita sa labas kanina at hindi lalagpas trenta segundo bago nila malamang nandito na tayo sa taas."

My eyes blinked faster by the heavy rain. Muli ko siyang tiningala, hindi alintana ang malakas na hangin at ulan. Base sa tantiya ko, she's fifteen feet higher above us. Kahit ang pinakamatangkad sa'min, hindi siya kayang abutin. At walang boses sa'min ang kayang gumising sa kaniya.

There is no way we can get her up there, unless we try to use our power but it'll compromise us for we need to consider our wounded comrades first.

Dumiretso kaming lahat sa storage room ng rooftop para doon muna ipagpahinga lahat ng malala ang sugat, habang naghihintay kami ng tulong mula sa palasyo at habang sinusubukan naming abangan ang ano mang pagbabago kay Ivanna.

Walang kahit na sino sa'min ang may alam sa nangyayari sa kaniya dahil kahit si Kanika...walang ideya kung bakit nangyayari ito gayong wala raw ganitong pangyayari sa nasaksihan niyang ritwal noon kay Madame Faith.

May mga kahon-kahon na tambak sa storage room. Pinagtulungan lang naming usog-usogin sa gilid para magkaroon ng mas malawak na espasyo para sa mga kasamahan namin.

We're almost out of ammunition. Ang mga kaya pang lumaban, hindi pwedeng magpahinga. Kaya lumabas sina Kendall, Blanka, Cadelaria, Kanika, Darcee, Randee, at Axel para makipagbarilan sa mga halimaw na nagsisimula nang umakyat dito sa rooftop.

Kami nina Marshall, Venix, Heidi, Yassi, Shantal, Tylex, Blake, at Luna ang naiwan para sa mga sugatan. We even desperately cut some alive vines who tried to enter in every hole of the place.

We then shut the windows tight. Nang nasiguragong ligtas na, pumirmi na kami, pare-parehong pagod, pawisan, at duguan. May mga lumang sapin at mga kumot na tinambak sa storage room kaya iyon ang ginamit namin para makahiga ng komportable ang mga sugatan habang naghihintay kami ng tulong.

Mabuti na lang may maliit na comfort room din kaya nakakuha kami ng malinis na tubig para sa mga sugat.

Nag-umpisang magbigay ng mga bottled water sina Shantal at Luna. Iyon lang ang mayroon kami. Kumuha ako ng isa at lumuhod sa gilid ni Krystal para ibigay iyon sa kaniya habang halos nakapikit na siya, nakasandal sa malamig na pader.

Saglit pa siyang tumingin sa'kin bago tuluyang uminom nang kaonti. He looked so exhausted while sticking close with Xiafezin Roze, making sure she's comfortable. Wala pa rin siyang malay.

"Damihan mo," I quietly told him.

"Maayos na ako," iling niya at inabot kay Yassi ang tubig.

Yassi accepted and chugged the water.

Sinubukan kong ihiga si Krystal sa mga sakong sinapinan ko ng malinis na kumot. May mga maliliit na sugat siya na agad kong binigyan ng lunas. He kept wincing from the pain as I tried so hard to be gentle.

FLAMES OF ROZE | Season 3 - THE REVELATION (PT 1-3) | TRS#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon