CAPITULUM 180 - The Revelation (Part 1)

41 0 0
                                    

180 | Ripples

LUNA EUNOIA'S POINT OF VIEW

Nakadilat ako sa ilalim ng tubig habang pilit na ginigising ang sarili.

Sobrang napupuno na ako sa mga nangyayari pero hindi ako nagsisisi na nadamay ako sa kaguluhang ito. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magtatagal dito na kasama nila. Ilang beses man akong tumakas, mukhang habang-buhay na akong nakatali sa buhay na binuhol ni Sergio sa leeg ko. Hindi lang siya makalapit dahil nasa puder ako ng mga Valerious. Pero siguradong kapag nakakita siya ng pagkakataon, alam kong babawiin niya ako...

He could do it on his own...or with the Oscurians' help. Who else? The Verchias.

Kapag nangyari na ulit iyon, hindi ko na alam kung makakatakas pa ulit ako. Ni hindi ko alam kung magagawa pa ba talaga akong protektahan ni Elena laban sa kaniya, lalo na't nagbanta na siya sa'kin noon na kung hindi talaga ako aalis dito...hindi siya magdadalawang isip na ibigay ako mismo kay Sergio.

Obviously, my stay here with the Valeriouses made her even annoyed at me. Hindi ko rin sigurado kung bakit ganoon na lamang ang inis niya sa katotohanang naging malapit ako sa grupo ni Signorino Darcee. Maaaring dahil napalapit din ako kay Signorino Krystal...pero pakiramdam ko may mas malalim pa siyang dahilan.

Pero hindi ko alam...kung nais ko pa bang malaman kung ano iyon.

Alam ko na darating din ang panahon na...mawawala ako. Iiwan ko rin ano mang relasyon ang nabuo kasama ang mga bagong kaibigan, kaya kailangan kong gawin ang lahat nang makakaya ko...para sulitin ang lahat ng ito at maging malaya kahit...sandali lang.

Nagbigay lang sa'kin si Elena ng ultimatum noong nag-usap kami sa balkonahe ng opisina ni Signorino Darcee. Kapag natapos na ang magiging bakasyon namin sa La Union kung saan ako gustong isama nina Signorina Kendall, kailangan ko nang umalis agad pagkatapos. Hindi ako pwedeng magpaalam pa. Basta hindi na ako pwedeng magpakita kina Signorina Roze...kahit kailan!

Kapag sumunod ako sa gustong mangyari ni Elena...poprotektahan at ilalayo niya ako kay Sergio. I just hope that she doesn't betray me because I believe that she still has a room in her heart to actually...care for me.

Kumurap ako at nagpabula ng hangin sa tubig bago tuluyang pumikit.

That day. That day...when I met Signorino Krystal and Signorina Roze, my life changed. Hindi ko masasabing mas lumala ang sumpa ng buhay ko, pero kung ikukumpara naman noon, mas maayos ang buhay ko ngayon.

Sa sandaling panahon, naramdaman kong espesyal din ako...katulad nila. Dahil nasa safe house ako, pakiramdam ko, kaisa na rin nila ako. Mga sundalong lumalaban para sa kapayapaan ng Reale. Grupo ng mga propesyunal at dugong mahal. Nirerespeto at tinitingala ng mga tao.

I felt so belonged with my powers being put into use for the good side. Para akong nasa isang panaginip kung saan...ipinagmamalaki ko ang sarili ko. Nagawa kong iligtas si Signorino Ruiz. Nakipaglaban ako kay Mikhail De Marchi at sa mga kampon niya. Lumaban ako kasama nila. Isang bagay na hindi aakalain ng iba na kayang gawin ng isang alipin lang, mababang uri.

Pero gaya ng lahat ng simula, lahat ay may kakambal na hangganan.

I guess...it will never be easy to tag along with them, but ever since that incident in the safe house, I kind of got used...to being in trouble. I didn't know I could endure more. But maybe the reason why I'm still standing strong is because...I am strictly surrounded with nice people. Sure, there are terrible people in this society, just as there were in my prior life, but there are also far more decent ones.

They made me even more strong.

I realized...the way I look at the royalties from the outside is very different from how I look at them from the inside. Ibang-iba pala talaga bawat isa sa kanila...kapag nakilala sa personal. Ngayon, nakikita ko ang pagkakaiba at pagkakapareho nila.

FLAMES OF ROZE | Season 3 - THE REVELATION (PT 1-3) | TRS#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon