CAPITULUM 166 - The Revelation (Part 1)

65 6 1
                                    

166 | Heart

ROZE'S POINT OF VIEW

"Mabuti hindi nakakapasok ang ilan sa mga halimaw sa Oscura papunta rito sa Reale para makapanggulo..."

"May sapat na proteksyon ang Reale laban sa mga halimaw ng Oscura, kaya hindi sila nakakapasok. Bukod doon, may malaking tarangkahan na nagsisilbing mismong boundary sa pagitan ng dalawang bansa."

"Ngunit sa katunayan, noong naghahasik pa ng lagim ang ama ni Mikhail, walang kahit na anong boundary ang kayang pumigil sa mga halimaw na makapasok dito. Mabuti na lang, wala na ito, at wala na rin si Mikhail."

"Saan ba sila nagmula? Bakit may mga halimaw sa bayan na pinagmulan mo, Cadelaria? Bakit mukhang hindi ginagawan ng aksyon ng mga magulang mo? Hindi ba sila ang namumuno sa bansa? Hawak nila ang pamahalaan."

"Kendall, may pakinabang sa'ming gobyerno ang mga halimaw namin. Ginagamit sila para hindi kami tuluyang masakop ng Reale. Gobyerno rin mismo ang gumagawa ng mga halimaw. At alam iyan ng mga Valerious."

"Paano ang mga mamamayan ninyo? Habang-buhay silang mabubuhay sa takot?"

"Sa loob ng maraming taon, sinanay na ang mga Oscurian na mamuhay kasama sila, kaya walang problema, Blanka. Nakasanayan na ng mga tao na walang ligtas na mundo para sa mga mahihina. Kung mahina ka, hindi ka karapat-dapat na maging Oscurian at manirahan sa Oscura. Lahat ng mahihina sa Oscura, walang patutunguhan kundi maging pagkain ng mga halimaw."

"Doon sila nagkakaroon ng...pakinabang sa bansa?"

"Tama ka, Blanka. Kaya naman...huwag na kayong magtaka sa ugali ni Kanika. Kakaiba ang kinalakihan naming mundo. Ibang-iba para sa inyo, pero normal na para sa'min. Kinailangan namin kaibiganin ang mga halimaw para lang mabuhay. Kailangan naming maging matapang. Maswerte kayo at hindi kayo naging alipin ng bansa namin."

Mga boses iyon ng mga kaibigan ko, alam ko. Hindi ko nga lang sigurado kung panaginip ba iyon, pero parang hindi. I remember myself opening my eyes a bit and saw some people in a room where I am. It was blurry but some were familiar to me. Nag-uusap-usap sila.

After that, everything was black again. It was a deep sleep that put my heart into peace, not until...

Si Xia. Imahe niya ang gumising sa'kin mula sa mahimbing na pagkatulog. Her face was just a few inches to me. Her dark eyes were bleeding just like how it did to me whenever something tragic happens. Hindi siya nagmamatigas sa panaginip ko. Humihingi siya ng tulong sa'kin.

Kaya matapos kong dumilat at magising, siya agad ang inaalala ko. Walang tigil ang pagdoble ng kaba ko hanggang sa hinawakan ako ni Krystal para pakalmahin.

"Krystal!"

Sa ayos niya bago pa ako bumangon, mukhang binabantayan niya ako o hinihintay magising. Napayakap ako sa kaniya nang pagharian ako ng matinding takot.

Alam kong naramdaman niya iyon sa yakap ko, at ramdam ko rin ang pag-aalalang binuhos niya sa kaniyang yakap sa'kin. Thank God, he's safe and very much alive. Hindi ko alam ang gagawin ko kung mawala siya sa'kin. Hindi ko alam kung kakayanin ko. Sakanila ako ni Ruiz humuhugot ng lakas. Sakanila ko nararamdaman kung paano ulit mabuhay. I don't think I can afford to lose them both. Ever.

"Nurse! Nurse!" sigaw ni Zayden na narito rin sa kwarto.

"N-Nasaan si...Ruiz..." halos wala akong boses nang nagtanong kay Krystal.

"Momma!"

Ruiz appeared with my brother Blake Rafael at the door, and ran to me. I locked my baby with my arms and kissed his rosy cheek. Namamaga ang mga mata niya, wari ko'y sa pag-iyak, at parang nakahinga nang malawag nang mayakap ko.

FLAMES OF ROZE | Season 3 - THE REVELATION (PT 1-3) | TRS#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon