CAPITULUM 188 - The Revelation (Part 1)

29 0 0
                                    

188 | Screwed

XIAFEZIN ROZE'S POINT OF VIEW

Ilang minuto ang tinagal na magkayakap lang kaming dalawa at tahimik. I even fell asleep from his light touches on my hair. Nagising lang ako nang datnan kami nina Klaud, Kendall, Zayden, at Luna.

Napabangon agad ako mula sa pagkakasandal kay Krystal na yakap lang ako. Ako lang pala ang nakatulog dahil nang lingunin ko siya, walang bakas ng pagkatulog sa mukha niya.

"You two haven't eaten your lunch yet. Halina kayo," Luna said in a soft tone.

Binalingan ko ulit si Krystal. Sa isang tingin at hawak ko sa kaniya, alam na niya ang anyaya ko. Tipid lang siyang tumango sa'kin, matamlay at tahimik.

"Roze, can you walk?" Tatiana asked, concerned.

Inalalayan niya ako. For some reason, it took me a while to answer her. I had to even study her face before I found the courage in me to answer her.

"Yes. I can."

It was a quiet and dull afternoon. Surprisingly, even with my friends around and the people that I simply care so much. The way they looked at me suggested how much they wanted to ask me things, but they held back from doing so. Just no, not this time.

Ramdam ko ang kagustuhan ng mga kaibigan na kausapin ako, pero marahil nakita nila sa awra ko noong kainan na wala akong gana para sa kahit na ano kundi intindihin ang sarili ko, si Ruiz, at si Krystal.

Nakapagpahinga naman ako pero parang kulang ako sa lakas at gusto na lang humiga. Even eating was tiring and I couldn't help but glance at Krystal every now and then. Ganoon din siya sa'kin. Kumpara nga lang sa'kin, mas mailap siya kapag nahuhuli ko siyang naunang nakatingin.

Bago pa kumagat ang dilim, handa na kaming lisanin ang tahanan na akala ko ay matatagalan ko. Naluluha ako habang pinagmamasdan ang mga tauhan nina Darcee at Krystal na hinahakot na ang mga naka-pack na gamit namin papasok sa truck na nag-aantay sa labas ng gate.

"Momma, awe we still going back hewe?" si Ruiz na tiningala ako, nakakapit sa kaliwang kamay ko.

I blinked back my tears and knelt down in front of him to level our eyes. Tipid akong ngumiti at pinahiran ang munti niyang mga luha.

"Yes, baby. We're still going back. We'll try to...go back, okay?"

Ngumuso siya sa'kin bago muling nilingon ang mga tauhan na abala sa paghahakot ng mga gamit.

Nagkausap kami kanina pagkatapos kong maligo at mag-ayos. Si Mama Klaudia ang nagbantay sa kaniya noong umaga dahil alam nilang sa sitwasyon ko kanina, hindi ko pa kaya. Alalang-alala si Ruiz at kinumusta agad ako samantalang ako dapat ang mas mag-alala sa kaniya. Lalo na ngayon na alam ko nang maaaring may gawin sa kaniya ang mga demonyo para makuha siya sa'kin. Kung totoong anak din siya ni Luci, hindi malabong maimpluwensyahan siya.

Hindi ako papayag. Mamatay muna ako bago siya may gawin sa anak ko, sa anak namin ni Krystal. Hindi siya parte ng pamilya ko. He never did.

"Halika na?" I heard Krystal behind me.

Napatayo ako at nilingon siya. He's carrying some of our bags. The look in his face...woefully told me how much he needs...saving. Although he looked better now compared to how he was this morning, I'm still worried.

"Wala na bang ibang gamit na naiwan sa loob?" kaswal kong tanong para isantabi ang pansin ko sa kaniya.

He shook his head. "Wala na."

"Don't be sad na, Momma, Dada. I'll give my gifts latew once we awwived to ouw tempowawy home," ani Ruiz nang mapansin ang mukha naming dalawa.

He looked worried and...sad, too. Tipid akong ngumiti sa anak para pagaanin ang loob niya. Marami siyang tanong para sa'kin, pero inunahan na siya ni Mama Klaudia, na huwag munang magtanong.

FLAMES OF ROZE | Season 3 - THE REVELATION (PT 1-3) | TRS#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon