Alarm: Kring..... Kring..... Kring.....
Alas 5:00 na pala kaya bumangon na ako sa kama ko at niligpit ito. Pagkatapos ay pumunta na ako ng banyo para maligo.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako ng damit at pumunta sa kusina.
"Jessa kumain ka na nagluto ako ng paborito mong adobong manok." sabi ni mama.
"Wow! Talaga ma? Tamang-tama gutom na ako." masayang sabi ko.
"Oo naman, pero ngayon lang yan bukas iba naman. Maiiwan na muna kita may gagawin pa ako." nakangiting sabi ni mama.
"Kumain po muna kayo Ma." sabi ko.
"Mamaya na anak. Mauna ka na, bilisan mo na kasi papasok ka pa sa school." sabi ni mama saka umalis.
Kaya kumain na ako. Hmmm! Ang sarap talaga. "Ay Ma, baon ko po!" tawag ko.
"Nandiyan na sa mesa, kunin mo na lang." sabi ni Mama.
"Salamat po." masayang sabi ko.
Pagkatapos kong kumain ay kumuha ako ng babaonin kong kanin. Doon ako uuwi sa bahay ng lola ko mamayang tanghali medyo malayo kasi yong bahay namin papunta ng school.
Nagbihis na ako ng uniform, inayos ang sarili at kinuha ko na yong mga gamit ko. Lumabas na ako ng bahay at nagpaalam kay Mama.
Wooh! Excited na ko pumasok!
At School
Pagpasok ko pa lang sa gate, napansin ko na ang maraming istudyante. Ang ganda nilang tingnan lalo na at nakasuot sila ng uniform.
Nang makapunta na ako malapit sa tapat ng resthouse na malapit rin sa gate namin. Nakita ko yong iba kong kaklase na naglilinis. Namumulot sila ng mga basura at nagwawalis.
"Oy Jessa tumulong ka muna dito sabay na lang tayong pumunta ng classroom." sabi ni Cristy o Cris yong beki kong classmate. >.> Baklang to napansin pa talaga ako! Shigeeh na nga!
"Baklang to talaga." mahinang sabi ko.
"May sinasabi ka?" tanong niya. O_O Ay narinig niya pala?
"Ah wala, sabi ko tutulungan ko na kayo." palusot ko.
Tinulungan ko sila sa paglilinis. Sinunog na rin namin yong mga tuyong dahon para wala ng kalat.
"Hmmm. Ngayon pa kayo dumating boys na malapit na naming matapos yong paglilinis namin." biglang sabi ni Cristy.
"Si Cris talaga kami naman yong nakikita." pagrereklamo ni Rey sabay hawak sa batok niya.
"Siyempre ang tagal nyo kasi, first day of school pa naman. Tumulong naman kayo boys." inis na sabi ni Cristy.
"Oo na po. Hi Jessa." sabi ni Rey sabay tingin sa akin.
"Hello!" sabi ko at nginitian ko lang siya ng simple.
Nagttutulungan kami ngayon sa paglilinis. Ganito naman talaga kapag first day of school ang daming lilinisin lalo sa public school. Pero enjoy naman lalo na kung kasama mo 'yong mga kaklase mo.😊 Tinapos na namin ang paglilinis at pagkatapos ay pumunta na kami sa classroom namin.
Flag Ceremony
Nagline na lahat ng mga istudyante.
Grabe sobrang dami namin.
"Find your height guys according to your height." sabi ni Avie. Classmate ko.
"Find your height according to your nose." sabi ni Jhoy.
"Hahahaha." malakas na tawa ng mga boys.
Nagstart na ang flag ceremony. At pumasok na kami sa kanya-kanya naming classroom.
To Be Continued....
Thank you guys for reading!😊💗💕
I hope nakarelate kayo. Shout out nga pala sa mga nag-aaral pa diyan specially sa mga nag-aaral pa ngayon. 🤗
#nickartcole26
BINABASA MO ANG
I'm In love With Her
Teen FictionDid you fall inlove with your classmate? Yong tipong kapag nakikita mo siya ay hindi mo na siya makakalimutan. The way he look, the way he moved and the way he talked all about him is very awkward. Jessa May Delos Reyes is a simple girl with beauty...
