Rey's Pov
Nandito kami ngayon sa playground dahil dito gaganapin ang dance performance namin. Nakahanda na kami ng mga kagrupmate ko pero 'yong iba kong kaklase ay wala pa.
Napansin kong wala pa si Jessa at ang mga kaibigan niya. Nasaan kaya sila?
"Guys wala pa ba si Jammy Leigh?" biglang tanong ni Rodel. Siya kasi ang partner ni Jammy Leigh.
"Wala pa. Pati sila Eden at Jessa wala pa din. Saan na naman sumusuot ang mga iyon?" sabi ni Cristian o Cristy.
"Ayon na sila oh!" malakas na sabi ni Melvin sabay turo ng daliri niya sa kinaroroonan nila Jessa.
Kaya dahan-dahan akong lumingon sa kinaroroonan nila Jessa dahil nakaturo pa rin ang daliri ni Melvin.
Wow! Ang ganda nila. Dahan dahan silang naglalakad at napapagitnaan nila Jammy Leigh at Eden si Jessa. Teka! Si Jessa ba talaga 'yan? Wala na siyang suot na eye glasses, mas lalo siyang gumanda.
Nakasuot siya ng simpleng dress over the knee. Bagay na bagay sa kanya ang dress na suot niya.
"TUG! TUG! TUG!" biglang bumilis ang tibok ng puso habang papalapit si Jessa sa kinaroroonan namin.
"Hoy Eden mabuti naman at dumating ka na kanina pa kita hinahanap!" inis na sabi ni Cristy.
"Eh kasi naman nagsibihis pa kami kaya 'wag ka nang mainis diyan." nakasimangot na sabi ni Eden.
Tumahimik na lang si Cristy. Habang si Jessa naman ay papalapit sa akin. Pero dinaanan niya lang ako at lumapit siya kay Melvin kasi partner niya kasi ang kaibigan ko.
"Ang ganda mo ngayon ah." nakangiting sabi ni Melvin.
"Ngayon lang ba?" inis na tanong ni Jessa. Hindi matagal na lalo ka ngang gumanda eh. Sabi ko sa isip ko.
"Nagpapaganda ka ba sa akin?" pang-aasar ni Melvin.
"Hindi no! Asa!"nakataas ang kaliwang kilay na sagot ni Jessa.
"Sos. Kahit ikaw pa ang pinakamagandang babae sa mundo hindi ako maiinlove sayo." sabi ni Melvin.
"Ganoon ba? At sa tingin mo ba maiinlove ako sayo hindi naman kita type no." pagtataray ni Jessa. Hahaha 'yon lang!
To Be Continued.....
BINABASA MO ANG
I'm In love With Her
Teen FictionDid you fall inlove with your classmate? Yong tipong kapag nakikita mo siya ay hindi mo na siya makakalimutan. The way he look, the way he moved and the way he talked all about him is very awkward. Jessa May Delos Reyes is a simple girl with beauty...
