Roy's Pov
"May tao ba riyan?" tanong ko.
"Hmmm! Hmmmm!" may mahinang ingay akong naririnig sa loob.
"Teka anong nangyari, bakit nakalock 'yong pinto?" nagtatakang tanong ko.
Umalis muna ako doon para maghanap ng matutulis na bagay. Pero mabuti na lang at nakahanap ako ng gunting kaya kaya 'yon ang ginamit kong pangbukas ng door knob.
Pagkaunlock ko ay binuksan ko ang pinto at nakita ko si Jessa na nakaupo habang nakatali naman ang kanyang dalawang kamay at paa.
Pakshit!!! Bakit nila ito ginawa?
May takip din ang kanyang bibig kaya siguro hindi siya makapagsalita nang tanungin ko siya kanina.
"Okay ka lang ba?" tanong ko.
Tinanggal ko ang tali sa kanyang kamay. Pagtapos ay tinanggal ko rin ang tali sa kanyang paa pati na rin ang takip sa kanyang bibig.
"Salamat." mahinang sabi niya.
"Okay lang ba? Sinong may gawa sa'yo nito? Sinaktan ka ba nila?" sunod sunod na tanong ko dahil sobrang pag-aalala ko.
"Hindi nila ako sinaktan. 'Yong Leah na yon, siya ang may gawa nito." sabi ni Jessa.
"Ano? Pero bakit?" nagtatakang tanong ko.
"Hindi ko alam." sabi niya.
Aakma na sana siyang tatayo pero hinawakan ko siya sa braso at tinulungang tumayo.
Pagkatayo namin ay umalis siya at pumunta sa basurahan. Binuksan niya ito. Ano ba yong gagawin niya? May kinuha siyang bag. Bag niya ba yan?
Walang hiya talaga ang Leah na yon!
"Anong oras na ba? Gabi na ba?" nag-aalalang tanong niya.
"6:00 na ng gabi." sabi ko nang tingnan ko yong relo ko.
"Ano? Gabi na pala kailangan ko nang umuwi." sabi niya.
"Ihahatid na kita." sabi ko.
"Wag na salamat na lang." pagtanggi niya.
"Sige na ihahatid na lang kita baka mapano ka pa sa daan. Lalo na ngayon masyadong delikado." sabi ko.
Tumango na lang siya.
Yesss! Pero ang lungkot niya pa rin.
Umalis na kami sa school at pagkarating namin sa kalsada, nag-abang kami ng masasakyan. Nang dumaan na ang jeep ay sumakay na kami kaagad.
Habang nasa biyahe tahimik lang kami. Siguro iniisip niya pa rin ang nangyari sa kanya.
Hayaan mo Jessa ako na ang bahalang gumanti para sayo.
Makalipas ang ilang minuto ipinara na ni Jessa ang Jeep kaya bumaba na kami.
Pagkababa namin ay pumasok na kami sa isang kanto at rinig na rinig na namin ang tahol ng mga aso.
Aww! Aww!
Garabeng aso yan wag niyo nman akong kagatin please.
"Bat ka dumikit sa kin, natatakot ka sa aso ano?" tanong niya.
"Hindi no siyempre baka biglang may kumuha sayo." sabi ko palisot.
"At sino naman kukuha sa akin halos kilala na ako ng mga taga rito. Baka ikaw pa nga yong kukunin nila dahil baguhan ka lang at ang gwapo mo pa." nakangiting sabi niya.
BINABASA MO ANG
I'm In love With Her
Teen FictionDid you fall inlove with your classmate? Yong tipong kapag nakikita mo siya ay hindi mo na siya makakalimutan. The way he look, the way he moved and the way he talked all about him is very awkward. Jessa May Delos Reyes is a simple girl with beauty...
