Jessa's Pov
Biyernes ng hapon habang wala pa 'yong guro namin, pumunta muna ako sa labas ng classroom namin.
Tumayo ako malapit sa may hagdan dahil tinitingnan ko 'yong ibang istudyante na nasa labas din ng room nila. Nang sandali narinig ko ang usapan nila Jammy Leigh at Grace.
"Grace nandyan na si Kevin oh your one and only." sabi ni Jammy Leigh.
"Sssh ka lang baka mamy ibang makakarinig." sabi ni Grace.
"Oo na kailan mo lang ba siya naging crush?" mahiniang tanong ni Jammy Leigh pero rinig ko naman.
"Last month pa, alam mo simula noong nakita ko siyang naglalaro ng basketball. Tapos sobrang galing niya kaya 'yon don na nagsimula." wika naman ni Grace.
"Ayieeeh! Oh ano alam na ba niya na crush mo siya?" sabi ni Jammy Leigh.
"Oo. Pero may iba siyang gusto eh si Avie at may gusto din si Avie sa kanya." malungkot na sabi ni Grace.
"Ano? Sayang naman." malungkot din na sabi ni Jammy Leigh.
"Pero okay lang naman sa akin kung si Avie 'yong gusto niya total crush lang naman 'to. Mawawala din 'tong nararamdaman ko sa kanya." sabi ni Jammy Leigh.
"Sabagay." ani Jammy Leigh.
"Hi Kevin!" bati ni Grace. Hindi ko na tiningnan kung si Kevin nga ba 'yong binati niya.
Biglang may kumirot sa puso ko nang malaman kong may gusto si Kevin kay Avie. Nasasaktan ako at nagseselos pero kahit hindi naman dapat.
Bakit ba kasi nagustuhan ko si Kevin? Ano bang meron sa kanya? Ang tanga-tanga ko pero pipilitin kong pigilan ang espesyal na nararamdaman ko para sa kanya. Paano ko ba siya makakalimutan ngayong inlove na ako sa kanya?
Simula noon, sinubukan kong kalimutan si Kevin. Pero kahit anong gawin ko hindi ko siya makakalimutan dahil halos araw-araw ko siyang iniisip at namimiss.
Nang matapos na ang klase namin sa hapon ay hindi muna ako umuwi dahil maglilinis pa ako ng classroom namin. Kasama ko naman ang iba kong kaklase na cleaners din.
"Jessa May mauna na kaming umuwi." sabi ni Grace.
"Oh sige ako na lang ang maglock ng classroom natin." sabi ko.
"Bye Jessa." sabay na sabi nila Grace, Jonel, Arjun, at Valen.
Umalis na sila kaya mag-isa na lang ako sa classroom namin. Kinuha ko na 'yong bag ko at lumabas na din ng room namin. Agad ko namang inilock ang door ng room at pagkatapos ay umalis na ako. Napansin kong wala ng ibang istudyante sa school, nagsiuwian na rin pala silang lahat. Kaya bumaba na ako ng hagdan dahil nasa sa second floor ang room namin.
Pagkababa ko palang ay makakasalubong ko ang tatlong istudyanteng babae. Parang pamilyar 'yong isa sa kanila sa akin.
"Hi Jessa! Nice to see you again." bati ng isang babae. Teka siya 'yong girlfriend ni Melvin ah.
Nilapitan ako ng dalawa niyang kasama at hinawakan nang mahigpit ang dalawa kong braso.
"Anong gagawin niyo sa akin?" tanong ko.
"Chill lang, gaganti lang ako sa'yo." sabi ni Leah at diniinan ang salitang "sayo".
"Ano bang kasalanan ko sa inyo?" tanong ko.
"Hindi mo alam? Diba ikaw 'yong babaeng laging umaaligid kay Melvin na boyfriend ko?" galit na sabi niya.
"Tapos?" bakit ko ba 'yon nasabi.
"Walang hiya ka! Ikaw ang dahilan kung bakit lagi na akong iniiwasan ni Melvin. Kaya kaladkarin niyo na siya Girls." sabi niya.
"Anong gagawin niyo sa akin? Saan niyo ba ako dadalhin....?" naputol ang sinabi ko. "Shut up!" sigaw ni Leah at nilagyan niya ng takip ang aking bibig.
At hinila ako ng dalawa niyang kasama. Kaya sinubukan kong kamawala pero ang higpit ng pagkakahawak nila. Dinala nila ako sa C.R ng mga babae at itinali ang dalawa kong kamay na nakalagay sa likod ko. Itinali din nila 'yong dalawang paa ko kaya hindi ako makagalaw nang maayos. Kinuha nila 'yong bag ko at itinapon nila ito sa basurahan.
"Hmmmm.....hmmmmm...." 'yon na lang ang ingay na nasambit ko.
"Yan ang bagay sa'yo mang-aagaw ka!" nakangiting sabi niya. "Let's go Girls."
Iniwan na nila ako sa C.R. Paano ako makakauwi nito ngayong nakatali naman ang dalawang kamay ko? Kailangang makalabas ako dito dahil kung hindi ako makakauwi siguradong hahanapin ako ni Inay at mag-aalala 'yon.
Ginalaw ko 'yong kamay ko na may tali baka sakaling matanggal ang pagkakatali nito. Pero ang higpit ng pagkakatali nila. Walang hiya talaga ang mga 'yon makakaganti din ako sa inyo. Kakagatin sana kayo ng aso!
Luminga-linga ako sa paligid baka may makita akong matutulis na bagay. Pero mukhang wala talaga. Paano na ako makakalabas dito?
Kaya pumunta ako sa tapat ng pintuan at gumawa ng ingay. Sinipa ko ito ng sinipa nang marahan baka may makarinig man lang sa akin. Ilang minuto ko din iyong ginagawa ko pero mukhang wala talagang nakakarinig sa akin. Anong oras na ba? Siguro malapit ng dumilim na sa labas. Kaya nakaramdam na ako ng takot.
"May tao ba riyan?" tanong ng isang lalaki.
"Hmmm! Hmmmm!" tanging 'yon na lang ang nasambit ko.
"Teka anong nangyari, bakit nakalock 'yong pinto?" tanong niya.
Sinubukan kung tumayo para abutin 'yong door knob pero nahihirapan ako dahil hindi ako makagalaw nang maayos. Dahil nakatali 'yong mga kamay at paa ko. Nakakainis naman oh walang hiya talaga ang girlfriend ng Melvin na 'yon!
Nang sandali narinig kong bumukas ang pinto. At bigla na lang nawala 'yong takot ko.
"Okay ka lang ba?" tanong niya.
To Be Continued.....
Sino kaya ang lalaking 'yon? Guess who?
Thanks for reading!
Please vote and write down your comment!
See you to the next chapter! Lab yah all!
Sorry late updates medyo busy lang po kasi 'yong author niyo. Pakifollow niyo na lang po ako kung gusto niyo pong abangan ang next chapter nito. Thank you.
I'M INLOVE WITH HER. All Rights Reserved.
Nickartcole26. 2022
BINABASA MO ANG
I'm In love With Her
Novela JuvenilDid you fall inlove with your classmate? Yong tipong kapag nakikita mo siya ay hindi mo na siya makakalimutan. The way he look, the way he moved and the way he talked all about him is very awkward. Jessa May Delos Reyes is a simple girl with beauty...
