FLASHBACK
Inside the Classroom....
Sir Noreen our P.E Teacher discussed about the Dance and its Categories. Kaya nagfocus na lang ako sa pakikinig sa kanya. Until he finished the discussion.
"By the way class, kailangan nyong magkaroon ng dance performance dahil yan din ang pagbabasehan ko ng grades nyo." Sir explained. "So you need to make your own group. These are the list of your group dance."
"Yes Sir!" excited na sabi ng iba. Buti pa sila excited.
Pinagsama-sama ni Sir Noreen ang bawat grupo dahil iba ibang sayaw ang nakaassign. Sa Group 1 - Waltz, Group 2 - Rigodon, Group 3 - Cha-cha, Group 4 - Boggie, Group 5 - Tango.
"Ano ba yan ang hirap naman sa atin, bakit Tango pa?" pagrereklamo ni Marichris na di maguhit ang mukha.
" Ano ka ba, madaili lang yon. Ang problema nga lang, hindi natin alam kung kanino tayo magpapaturo." sabi ni Beverly.
"Ano ba kayo okay lang yan gagawa tayo ng paraan." sabi ni Ziah.
"Ay tama, ano kaya kong isearch natin sa youtube para malaman natin ang mga steps." sabi ko.
Sumang-ayon naman sila at pumili na kami ng kapair namin sa sayaw.
Ziah and Alvin
Beverly and Erwin
Marichris and Arjun
Angelica and Jake
Me and Melvin
Ang gwapo talaga ng kapair ko. Siya yong mas gwapo sa grupo namin. Si Melvin ang pumili sa akin, ayaw niya kasi sa ibang girls dahil mataray daw.
End of Flashback
Basketball Court
Habang nakaupo kami dito sa mahabang upuan na gawa sa semento, pinanood namin 'yong mga naglalaro ng basketball. Isa na doon ang hinahangaan kong kaklase si Kevin Albert Amazona. Kasama niya ang mga tropa niya na kaklase ko rin. Sila Rey, Arnel, Jonel, Arjun at iba pa.
Nang maishoot ni Rey ang bola ay nagulat ako dahil biglang sumigaw si Eden.
"Whooah! Go Rey!" sigaw ni Eden.
Biglang lumingon si Rey sa kinaroroonan namin at....tumingin siya sa akin. Ngumiti siya sa akin, huh bakit kaya?
"Go Kevin!" sigaw ni Jammy Leigh na tumalon talon pa. Ay OA talaga ang babaeng to!
"Jesang icheer mo naman si Kevin para mas gaganahan pa siyang maglaro." sabi ni Jammie Leigh
"Oo nga Jessa, icheer natin si Kevin dali!" malakas na sabi ni Jessa. Naku talaga baka mahalata ako nito eh pero bahala na nga.
"Okay." mahinang sagot ko.
"Go Kevin! Galingan mo Kevin!" sabay na sigaw namin ni Eden.
O__O
Bigla siyang lumingon at nagkatinginan kami. Kaya lang umiwas siya ng tingin. Totoo ba yon? Tiningnan niya ko? Feeling ko umakyat yong dugo ko sa face ko.
"Oi besh napano ka?" bigla namang tanong ni Jammy Leigh. Akala ko kung ano yong sasabihin niya.
"Ahm wala." sabi ko. Ang totoo niyan di pa rin ko makaget over sa tingin ni Kevin kanina.
Grabe ang lakas ng epic niya sa akin. Oh no! Bakit ganon na lang ang tama niya sa kin?
To Be Continued....
Thanks for reading!!😊😊
I hope you enjoy it!
Don't forget to vote and comment!
See you next chapter.
#nickartcole26
BINABASA MO ANG
I'm In love With Her
Teen FictionDid you fall inlove with your classmate? Yong tipong kapag nakikita mo siya ay hindi mo na siya makakalimutan. The way he look, the way he moved and the way he talked all about him is very awkward. Jessa May Delos Reyes is a simple girl with beauty...
