Chapter 9: 💕

3 1 0
                                        


Kevin's Pov

  Nandito na ako ngayon sa bahay namin at nagpapahinga na.

  Hindi ko pa rin makalimutan ang sinabi ni Rey kanina sa amin na may gusto siya kay Jessa May. 'Yong pinsan ko pa talaga ang karibal ko sa babaeng nagugustuhan ko.

  "Apo, bumaba ka muna diyan kakain na tayo." sabi ni Lola.

  "Opo lola nandiyan na po." sagot ko.

  Bumangon ako mula sa kama ko para pumunta sa kusina.

Sa kusina....

  Nakaupo na kami kasama sila Lola at ang dalawa kong pinsan na magkakapatid na sila Joel at Angel. Nagsimula na kaming kumain at tamang-tama paborito ko 'yong ulam na adobong manok. Nilantakan ko ang pagkain nito siyempre paborito at gutom na gutom ako eh.

  "Ah Kevin, kumusta pala ang pag-aaral mo?"biglang tanong ni Lola.

  "Huk!" Muntik na akong mabulunan non ah.

  "Dahan dahan ka naman sa pagkain. Ito 'yong tubig." sabi ni Lola sabay abot ng isang basong tubig.

  "Salamat po lola. Maayos naman po ang pag-aaral ko. Medyo mahirap po 'yong ibang subject pero nakaya ko naman." sabi ko.

  "Mabuti naman kung ganon. At kayo naman Angel at Joel?" sabi ni Lola at bumaling kina Angel at Joel.

  "Ayos lang po lola." sagot ni Angel.

  "Ayos lang din po sa akin Lola, masaya po dahil marami na kong mga kaibigan sa school." nakangiting sabi ni Joel.

  Ikinuwento ng dalawa ang nangyari sa kanilang school. Si Angel kasi ay nag-aaral ng High School at si Joel naman ay nag-aaral ng Elementary. Tuwang-tuwa naman si Lola sa pakikinig ng kuwento ng dalawa. Ipinagpatuloy ko ang pagkain hanggang sa natapos na kaming kumain.

   Tinulungan ko silang iligpit at linisin ang pinagkainan. Pagkatapos ay pumasok na ako sa kwarto ko.

  Dahil busog pa naman ako, umupo ako sa kama ko at binuksan ko muna 'yong TV at nanood ng basketball.

  Pagkatapos ng basketball, pinatay ko na 'yong TV. Kinuha ko 'yong cellphone ko. Binuksan ko ito at nglog-in sa facebook.

  Kevin you have 99+ notification, 99+ friend requests and 80 messages.

Kelly Dela Cruz

   Hi!

seen

Sarah Concepcion

   Hello! Pwede ka bang madate?


Scroll down........

Scroll down........

Scroll down.......

   Nakakatamad nang magbasa kaya makapag stalk nga. I starting stalk to Jessa May Delos Reyes. Tinitingnan ko lang 'yong mga post niya kahit matagal na kaming friend sa facebook. Nahihiya kasi akong makipagchat sa kanya.

   Jessa May posted her status:  22 hour ago.

  Hi guys! Paano mo ba malalaman kapag gusto mo na ang isang tao?

Please write your comment!

1.1k Likes     1.5k Comments    1k Share

   Binasa ko ang ilang comments.

Julia Reyes
    Ay girl ganito kasi yon, masaya ka kung kasama mo siya at lagi mo siyang namimiss.

Nikko Villanueva
Ito pa girl, lagi mo siyang iniisip at gusto mo siyang laging makita.

Michelle Reyes
Nagseselos ka kung may kasama siyang iba.

Veronica Suarez
Bumibilis ang tibok ng puso mo kapag malapit siya sa'yo at nahihiya ka kapag nasa tabi mo siya.

Alex Dela Cruz
Feeling mo hindi buo ang araw mo kung di mo siya nakikita at sobrang saya kapag nandiyan na siya.😊

   Grabe ang daming nagcomment. Ganoon pala 'yon, ibig sabihin gusto ko na siya? Kaya naglog out na ako ng account sa facebook.

   Hindi ko na namalayan ang oras 9:00 na pala ng gabi. Kaya humiga na ako at ipinikit ang aking mata.

Zzzz......      Zzzzz......     Zzzzz......

To Be Continued.....

Thank you for reading!

Sana nagustuhan niyo.

If you want to be more updated just follow me.

#nickartcole-26

 

I'm In love With Her Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon